Noynoy Was In Gensan

Nung binalitaan ako ni Mayor Jun na mula sa airport ay tutuloy si Noynoy Aquino sa pageant night ng Queen of Mindanao Festivals, nataranta ako.  Una dahil number one fan ako ni Cory, na nanay ni Noynoy.  Gusto ko syang makita ng personal!  Pangalawa, hindi ako sigurado kung mapupuno ko ang atrium ng Robinson’s Place para hindi naman magmukhang nilalangaw ang pagbisita nya.  Pangatlo, napigtas ang hook ng pants ko at hindi ako nakapag-belt!  Panic attack talaga ako!

Unang pumasok sa atrium sina Representative Ruffy Biazon and TG Guingona.  Parehong malalaking tao.  Pero mas malaki pa rin ako.  Grabe ang palakpakan ng audience.  Nilibot ko ang buong atrium.  Punumpuno ang Robinson’s Place.  Hindi na ako mapapahiya kay Noynoy.  Umakyat ng stage ang dalawang congressman.  Isa-isang nagsalita.  Sana manalo sila bilang senador.  Having illustrious fathers like Senator Pong Biazon and Teofisto Guingona should help them get the votes.

When Senator Noynoy entered the atrium, maramdaman mo talaga ang spontaneity ng emotions ng tao.  Ang palakpakan was very real, very warm.  Almost everybody was sporting the LABAN hand-sign!  Reminiscent nga ng panahon ni Cory.  Naiyak talaga ako sa tuwa.  I think naramdaman din ni Noynoy ang pagmamahal ng tao sa kanya.  His speech was short but it came from the heart.  Kung anuman ang paninira laban sa kanya, I must say, this man, can be a GOOD president.  Iba ang aura ni Noynoy.  Maganda ang pagpapalaki sa kanya ni Cory.  For that alone, sulit na ang boto para kay NOYNOY bilang PRESIDENTE ng PILIPINAS.

Ay siyanga pala, before dumating sina Noynoy, dumating din si Peter bitbit ang belt ko.  Saved by the driver, ‘ika nga.  Kaya nakarampa tuloy ako at nakadaupang-palad ko si Noynoy.  And nabanggit ko nga sa taas, hindi ako napahiya kina Mayor Jun kasi nga punumpuno ang Robinson’s Place Atrium.

Related Posts with Thumbnails