Hannah’s Graduation Party

Isa si Hannah sa mga paborito kong blogger

Magaan na agad ang loob ko sa kanya when we first met

Funny nga kasi dati ko nang kilala ang mommy nya

Pareho kasi kaming devotee ng Santo Nino

Anyway uber excited ako when Hannah invited me to her party

Feeling ko pa naman na magmukmok lang sa bahay that Saturday

But the better of me prevailed

Dumaan muna kami ni Kuya Avel and Marz sa NDDU dinner party

Then tumuloy na kami sa Brod Louie

Exclusive ang Neutral Zone para sa party ni Hannah

Ang laki na pala ng ipinagbago ng Brod Louie

This time mas cozy na ang lugar and sosyalan ever na

Nagulat ako nang makita ko si Hannah

Aba, naka-make up sya and ang ganda ng suot nya

Bumagay talaga sa kanya ang garb nya that night

Dalagang-dalaga at nawala ang pagka-bugay nya

Triple celebration din that night

Birthday din kasi ng dalawang brothers ni Hannah

Isa-isang nagsidatingan ang mga bisita

Siempre hindi magpapahuli ang mga bloggers

We were joined by Gilbert, Donna Mae, Emman and Bryan

Dumating din ang mag-asawang Arnel & Roselie and Ric & Sheng

Frances, Ravi, Arghie, Xyril and Alexis were there too

Humabol na lang si Rammyboi and his friend

Sobrang sarap ng food na prinipare ng auntie ni Hannah

Ang ganda pa ng presentation at mapapatakam ka talaga

Kitang-kita din namin na uber proud ang parents nya

No wonder overflowing ang food and drinks that night

Enjoy kaming lahat kahit nagbabadya ang ulan

We were supposed to attend pa the Calla Lily concert sa Robinson’s Place

Kaso umulan bigla kaya pumasok na muna kami sa loob ng Brod Louie

Mas lalo akong nagulat sa nakita ko kasi ibang-iba na ambience

Kung dating kilala na karaoke bar ang Brod Louie

Ngayon nag-level up na sila at feeling sosyalan ever na

As promised, pinatikim kami ng cocktail drinks ng Auntie Celia ni Hannah

Bonggacious talaga ang mga mix spirits nila

Ganda pa ng lalagyan na uber sa laki na mga kopita

At dahil libre inenganyo ko ang mga bloggers na subukan nila

Kaya ayun nabangenge kaming lahat sa daming ininom

At dahil may billiards table keber kahit hindi kami marunong

Feeling-Efren-Bata-Reyes kaming lahat at saka naglaro ng billiards

Serious nga kung maglaro eh parang tutuo

Pero nung kukunan ko ng picture aba biglang nagposing lahat

Grabe talaga ang saya naming lahat that night

Di nga namin halos napansin na alas dos na ng umaga eh

Hindi ako nagsisi na umatend ako sa party ni Hannah

Salamat, my beautiful friend Hannah for everything!

Looking forward to our next get-together…

And hey, CONGRATULATIONS nga pala!

I love you, dear!

Related Posts with Thumbnails