Bitter, kamo?  Hindi ako bitter.  I just have to do this or else mabubuang ako. Isa pa kailangang kong gawin ang post na ito para bumalik ang gana ko sa pagba-blog.  Pero sa tutuo lang marami naman talagang pinagkaiba ang ex-syota ko sa pet dog kong si Chad.  Pero sampu lang ang pipiliin ko at baka ma-stroke na ako sa tindi ng bitterness kuningning.  Basa na!

  1. Seloso din si Chad pero ang pinagkaiba ni Chad kapag ayaw nya ang kausap ko, aba nangangagat sya.  Pero pag naaamoy nyang wala akong makamundong interes sa mga kausap ko tatahimik na yan.  Lalo pang tatahimik si Chad kapag alam nyang lalandiin ko ang kausap ko.  Kay Chad never akong na-stress sa pagseselos nya.
  2. Low maintenance si Chad. Ni minsan hindi nagpaparinig yan na gusto nya ng laptop, damit, load at kung anik-anik pa.  Isang buong lechong manok sa isang linggo lang okay na si Chad.
  3. Wala ring amnesia si Chad. Hindi mo madidiscover na diningwat na pala nya ang bago mong cellphone at magtataka na lang kumbakit nasa kanya na ito.  In the first place, hindi nagse-cellphone si Chad, no!
  4. Hindi sawsawan ng bayan si Chad. Saken lang talaga sya kahit pa kung sino-sinong babaeng mini-pinscher ang gustong magpa-buntis sa kanya, saken pa rin ang loyalty at pagmamahal nya.
  5. Si Chad kasama ko sa bawat yugto ng buhay ko. Pag malungkot ako, nakikilungkot din sya.  Aaluin ako ni Chad pag umiiyak ako… dinilaan nya ang tulo ng luha ko, would you believe!  Pag masaya ako, nararamdaman nya din ito.  Pag galit ako, magtatago na yan pero pag tinawag mo, lalapit ever na lang yan.
  6. Kay Chad, what you see is what you get. Hindi plastic.  Hindi sinungaling.  Hindi marunong mag-white lies.  Alam ko pag may sakit si Chad.  Hindi siya over-acting.  Pag nagugutom o nauuhaw yan, tatahol na lang.  Wala ng drama.  Straight to the point na.  Hindi kaya ako manghuhula para malaman ang nasa isip nya no.
  7. Iisa lang ang personality ni Chad. Hindi sya schizophrenic.  Hindi gumagamit ng kwento para makalusot.  Pag nagdumi si Chad – umihi man o umebak – sa bawal na lugar – wala na syang lusot, huli agad.
  8. Kay Chad never mong maririnig ang mga pagkukulang mo. Hindi ka iinsultuhin.  Tanggap nya ako bilang ako.  Kahit wala akong ligo, kikiss pa rin si Chad.  Hindi ako kailangang magpaganda para mahalin ni Chad.
  9. Kahit late akong umuwi – wala kang maririnig na yawyaw ni Chad. Pagpasok ko pa lang ng bahay, andyan na si Chad, palaging excited kapag nakikita ako.  Malakas lang syang kumahol sa tuwa pero hindi sya nagger!
  10. And lastly, kay Chad wala akong pakikisamahang magulang, kapatid, kaibigan or kaeskwela nya. Ang hirap kayang makipag-plastikan no!

Di ba nakakatuwang ihambing ang dati mong sinisinta sa pet dog mo?  Ang saya-saya.  At least, nabawasan ang inis ko today!  Hahahahaha!

Related Posts with Thumbnails

Please rate this post!
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (9 votes, average: 5.00 out of 5)
Loading ... Loading ...

Did you enjoy reading this blog post? Aminin! Subscribe now!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner