Mga Dati Kong Paboritong Pagkain

Matagal ko nang dapat isulat ito kasi nagulat  talaga ako sa ipinagbago ng dating paborito kong pagkain.  Personal kong opinyon ito so it’s up to you, faithful readers, to check them out yourselves.  Read on…

    • Chow King’s Halo-halo – Ang laki ng pagkadismaya ko nang natikman ko recently ang halo-halo na gawa ng Chow King.  For so long, pinakapaborito ko talaga ito.  Sagana sa pinaghalo-halong ingredients, libreng additional gatas, yelong di tumitigas kahit tumagal.  Ngayon, biglang naiba ang lasa.  It tasted too commercial now and sa tingin ko ang ipininagkaiba ng petite sa supreme halo-halo nila eh ang dami ng yelo.  Uber-uber sa dami ng yelo and parang ganun din ang dami ng ingredients.  Sad to say, parang nawala ang dating lasa nito.  Akala ko dito lang sa Gensan ang umiba pero nung sinubukan ko din sa CDO, ganun na din ang lasa.  At least consistent sila.
    • Mang Inasal’s Chicken Meal – Sobrang adik ako ng main product ng Mang Inasal.  Malinamnam naman kasi and tender, juicy talaga ang chicken barbeque nila.  Rice-all-you-can pa.  Pero simula nung kumain ako sa Mang Inasal sa Cebu and was served my fave chicken meal, laking gulat ko dahil ang tigas ng chicken.  Ewan ko ba kumbakit hindi ako nagreklamo.  Antigas talaga ng karne na parang dati nang luto at pinainit lang.  I love chicken barbeque but this time nawala talaga ang gana ko.
    • Arpochi’s Crabs – Kung pwedeng umiwas na kumain sa Arpochi, gagawin ko.  Not because hindi masarap ang steamed crabs nila – on the contrary sobrang sarap nga.  Ang pag-iwas ko eh dahil sa dalawang rason:  Una, uber sa tagal mag-serve sa Arpochi – one hour ever ang hintayan.  Pangalawa, uber mahal din sila – in fact, sila ang pinakamahal sa Gensan.  Pero lahat nyan nawawala kapag nakatikim ka ng crabs nila.  Unfortunately, nung huli kong kain dun, maliliit na crabs ang sinerve sa amin and mega-uber luto ito kaya’t dry na dry ang crab meat.  Very disappointed talaga kami sa Arpochi that time and it might take a while before ako babalik dun.

    Tatlo lang ito.  That means, majority ng mga paborito kong pagkain are doing just fine.  I hope the above establishments do something about my observations.  Walang personalan, GandaEverSoMuch lang!

    Related Posts with Thumbnails