Marasa Grill’s Food Fancy

I have long wanted to treat my Davao Blogger friends to Marasa Grill.  Tinawagan ko agad si Kring Macion, Owner and General Manager ng Marasa Grill.  Ora-orada akong tumawag and as usual Kring said yes!  Nakakatuwa ang beginnings ng resto ni Kring.  Karenderiya ever lang ang drama nila na sa unang akala ko eh mga trike drivers ang main market nila.  Aba napansin ko na lang na puro mga nagoopisina ang customers nila.  That was over three years ago.  Ngayon, bonggacious ever na ang Marasa Grill.

Dating bahay nina Kring ang location ng Marasa Grill.  Yung dati nilang apartment along Kadulasan Street ay parte na ngayon ng restaurant.  Very homey ang dating.  Friendly pang masyado ang mga staff nila.  Am sure hindi lang saken sila friendly kasi pati mga kaibigang kong kumakain dito, puro superlatives ang naririnig ko in terms of service.  Kung sa food naman, kapag sa Marasa ka kakain, itapon mo na ang diet mo!  Dahit dito, lutong bahay talaga at maaalala mo ang luto ng nanay or lola mo!

Ngayon may loft na sa Marasa Grill.  O di ba, sosyalan!  Loft ever na!  Actually second-floor ang ibig kong sabihin.  Maganda lang pakinggan ang loft!  Dun kami kumain with my Dabawenyos.  Kasama ko sina Lyle, Brendel, Chattee, Ria, Angel and Dulce.  Sa karagatan soup pa lang takam na takam na kami.  Sumunod ang tuna kinilaw and sashimi nila na fresh na fresh na para kang bagong paligo and nakapag-pulbos!  Wagi ang bagoong nila na sila mismo ang gumawa!

Nung nilabas na ang pinaputok na tilapia, sinugbang panga and grilled pork belly — unahan ever so much kaming lahat!  Wa na pagka-sosyalan ek-ek!  Lamon talaga ang ginawa namin.  Eh sinundan pa ng Marasa-style talong ensalada with gata!  Wow!  Para kaming mga batang nag-agawan eh kasi naman sobrang sarap talaga!  Kaya nung dumating pa ang ibang kasama namin, snob-snoban muna para di maubusan! hahahahaha!

Ang masarap sa Marasa Grill para ka lang nasa bahay talaga.  Maswerte nga kung minsan lumalabas ang nanay ni Kring.  I love Nanay talaga.  She reminds me of my mom.  Nagmamano ako sa kanya and mega-yakap ever.  Kaya pag nagkikita kami sa Marasa, mas napapadami ang order ko.  Hay naku buti na lang di sya lumabas at mapapasubo nanaman ako ng walang pakundangan.  Sinisi pa si Mother!

Eh si Kring panay pa ang labas ng pagkain.  Ano ba!!  Tuloy kahit wala akong rice, uber dami namang ulam ang kinain ko!  Hay, naku kapag sa Marasa Grill mabuburyong ka sa dami ng masasarap na pagkain.  And siempre hindi magiging kumpleto ang kainan kung walang dessert.  Dito well-known ang Marasa Grill dahil sa kanilang mango float and durian float.  Sila talaga ang nagpauso and sumunod na lang ang iba dyan.  Pa-tweetums pa siempre nung kinain ko ang share ko… kaso bitin eh!  Tig-iisa lang kami!

Salamat kay Kring Macion sa invitation.  Actually ganito yung sabi ko ke Kring:  “I am inviting you to invite us!”  O di ba!  Pano pa sya makaka-hindi nyan!  Kung type nyong magpa-cater, kayang-kayan ng Marasa.  Pwede rin kayong magmiting dun kasi may dalawang conference rooms sila dun na very comfy talaga.   Maluwag pa ang parking!  Two-lanes kaya ang kalsada sa tapat nila!  Hehehehe!  For particulars, tawag na sa 552-4628.  Nasa Kadulasan Street lang ang Marasa Grill.

Related Posts with Thumbnails