Gensan’s Melai is the BIG WINNER!

Isa ako sa mga masigasig na supporter ni Melai

Aminado ako na hindi ako naging instant fan nya

Gawa siguro ng biases ko para sa gwapo at magaganda

Medyo off nga yung dating ni Melai the first time around

Pero nung ni-lip synch nya ang kanta ni Sarah Geronimo

Naging number one fan agad ako ni Melai

Naging mas exciting panoorin ang PBB Double Up Edition

Kasi nga sobrang kwela ng Inday Kengkay ng Gensan

And almost everyone inside the house loved her

Nung magumpisa ang kilig factor ng Melason affair

Tinaob talaga ng ABS CBN ang kalaban

Umarangkada sa ratings ang Pinoy Big Brother

At naging bukambibig ng buong bayan ang tambalang Melai at Jason

Each time that Jason was nominated

Sya lagi ang nakakakuha ng highest text votes

Bakit ka ‘nyo?  Obviously, Melai’s fans saved him

Maraming nagduda kay Jason noon

Pero never akong nagduda

I knew right from the start that they were meant for each other

Nung inannounce ang initial text voting results

Nawindang ang dagsang fans ni Melai

Pangatlo lang sya kina Paul Jake at Jason

Naging kampante pala kaming mga Melai fanatics

Ang hirap kayang kalaban si Paul Jake

Una talagang suportado sya ng pamilya nyang uber yaman

Pangalawa, the Cebuano votes are a force to reckon with

Panic ever so much talaga ako

Pati mga kaibigan ko abroad pinagti-text ko

Nag-email din ako sa lahat ng mga kakilala ko

And take note, hindi ako nagiisang nagpapanic

Marami kaming fans ni Melai ang kumilos talaga

Text brigade at word-of-mouth ang ginawa namin

And that was the BIG DIFFERENCE

Melai is the BIG WINNER

She won it fair and square

Deserving naman sya

Pinaghirapan din nya ito

Nadagdagan na naman ang ipagmamalaki ng Gensan

Akma ngang tawagin ang Gensan na

WELLSPRING OF WINNERS

Related Posts with Thumbnails