Mga Pwedeng Gawin Ngayong Valentine’s Day

Photo on 2010-07-20 at 08.50 #2

Sa mga walang syota at sa mga kaka-break lang from their syota, heto ang sampung pwedeng gawin ngayong Araw ng mg Puso:

  1. Mag-movie marathon ka. Utang na loob, piliin mo kahit anong klase ng movie wag lang mga love stories.  Panoorin mo ang Saw movie series, Texas Chainsaw Massacre, ang one million na versions ng Friday the 13th at iwasan ang mga movie na may ganitong title:  LOVE ACTUALLY, VERY SPECIAL LOVE, LOVE CONQUERS ALL, SHOWER THE PEOPLE WITH LOVE.  In short, iwasan ang movie na may katagang LOVE!
  2. Magbabad ka sa Karaoke Channel. Gaya ng payo ko sa Tip #1, pwede mong awirin ang kahit na anong kanta basta’t hindi tungkol sa pag-ibig.  Iwasan din ang Spiritual Songs at lalo ka lang maaawa sa sarili mo.
  3. Huwag kang maligo today. It doesn’t really matter kahit amoy-kili kili ka.  In the first place, wala ka namang ka-date ano kaya’t hindi mo na kailangang magpaganda at mag-ayos.  At least, kung wala kang ligo today pwede kang mag-harvest ng libag sa katawan mo.  Kamutin mo ang dapat kamutin at pwede mo ring amuyin.
  4. Magpa-home service ka. Pamper yourself today.  Magpa-manicure ka at pedicure.   Pagkatapos magpa-full body massage ka na rin.  Kung wala kang kilalang gumagawa nito, ewan ko kung dapat ka bang mabuhay pa.  Kaya sige isi-share ko na si Manang Precy.  Pwede nyo syang i-text and just mention my name.  Precy – 09098758330
  5. Mag-exercise ka. Kahit 20 minutes lang pwede na.  Aerobics, Zumba, Taebo, Belly Dancing, Biking – kahit anong klase. At habang nageexercise ka, isumpa mo ang bawat lalake o babaeng nanakit ng puso at damdamin mo.  Isali mo na rin ang mga crushes mo na puro naman manhid.  I assure you, mas maraming calories ang masusunog mo.
  6. Kung tamad kang mag-exercise, mag-pig out ka. Umorder ka sa mga fast-food outlets or restaurants na may free delivery.  Kumain ka hanggang gusto mo.  Sa bawat pagnguya mo ng pagkain, isipin mo ang ilan pang malalamig na gabi sa buhay mo dahil wala kang syota at hindi na magkakasyota dahil sa sobrang taba mo!
  7. Kung may pet ka, pupugin mo ito ng halik. Tutal wala ka nang pwedeng kahalikan, pwes ibuhos mo ang nagiinit mong kalooban sa alaga mong aso, pusa, guinea pig, hamster, anaconda at iba pa.  Hindi ka man nila halikan in return, mas magiging loyal ang mga yan sayo lalo.
  8. Gamitin mo ang power ng Facebook, Plurk or Twitter accounts mo. Padalhan mo ng valentine’s greeting ang mga sa tingin mo ay syota-material among your friends sa Facebook.  Sa tutuo lang, dyan umusbong ang recent relationships ko.   Hindi man tumagal at least I’m proud to say na hindi na ako virgin.
  9. Pwede kang mag-malling today. Word of advise:  Kung babae ka, make sure na may bitbit kang red roses para hindi aakalain ng tao na wala kang syota at NAKAKAHIYA!  Kung lalake ka, make sure na wala kang bitbit na red roses at baka akalain ng tao na BAKLA ka at HINDI KA BAGAY MAGING BAKLA.
  10. Gawin mong BLOG POST ang malungkot mong Valentine’s Day. Oo na!  Malungkot ako today.  Galit ako ke Olie.  Kaya ang lahat ng tips dito, nagawa kong lahat.  Eh kasi naman writing about your pain daw makes the pain go away.  NOT.  Hay naku, keber na!  At least may blog post ako today.

HAPPY VALENTINE’S DAY EVERYONE!

Related Posts with Thumbnails