Emo Moment

oomemo

Umpisa pa lang ng taon

Hindi na ako magkanda-ugaga sa dami ng gawain

Andyan na ang limang branches na inaasikaso ko

Pukpok to the max sa bawat branch para maabot ang quota

On the side, andyan din ang Kalilangan Festival

Tina-tamblingan ko na talaga pareho

Idagdag pa ang pamilya at buhay-pagibig

At least sa pamilya walang masyadong drama

Basta’t may lingguhang pang-grocery

Bayad ang kuryente at tubig, ayos na

Ang nakakaburyong talaga ay ang mood swings ni Oliver

Kung naka-high heels siguro ako

One million times na siguro akong natapilok

Buti na lang nasanay na ako ke Olie

Araw-araw kong binubuno ang mga yan

Binabalanse ang takbo ng buhay

Okay lang sana kung yan lang ang nangyayari

May mga kung anik-anik na eksena pa

May tawag ng kaibigan

May problema ng kamag-anak

May malulungkot na balita

Kung di ka matatag na tao

Mabuang ka talaga

Kelangan talagang galaw-galaw minsan

Para hindi ma-stroke

Araw-araw na iba’t ibang drama

Araw-araw para sa ibang tao

Teka, papano naman ako?

Minsan kasi kailangan nating mapag-isa

Yun bang niyayakap natin ang sarili

Umiyak at tumawa ng mag-isa

Ganun kasimple pero epektibo

Minsan kasi mas lumalakas ka sa sariling pagmumuni

Huwag nga lang palagi at baka isipin ng iba na buang ka

Emo moment ko today

Di naman kailangang may simpatiya

Gusto ko lang ng Alone Time paminsan-minsan

Mayamaya lang rarampa nanaman ako at

Ganda Ever So Much na uli!

Related Posts with Thumbnails