Minsan Kailangang Berde Ang Mundo Mo

oomberde

Buryong ang utak ko today

Pangalawang araw na kaming di nagpapansinan ni Olie

Nag-crash pa ang laptop ko

Panay pa ang brown-out araw-araw

Ang init pa ng panahon

Sobrang alikabok pa sa labas

Nagtumblingan pa ang appointments ko

Hay naku major bangenge moment ako ngayon

Kailangan kong mag-destress kahit konti

Naisipan kong maglakad-lakad sa front yard ng bahay

Kakadilig lang ng mga halaman

Naenganyo tuloy akong kumuha ng pictures

Berdeng-berde ang mga tanim

Nakakarelax.  Sobra.

Kinuha ko na pati ang tripod

Tinodo ko na ang pagkokodak

Gumagaan ang pakiramdam ko

Sa katahimikan ng paligid

Nakalimutan ko ang mga gumugulo sa utak ko

Malamang dahil ito sa mga nakikita ko

Ang berdeng kulay ng mga halaman

Ang patak ng tubig mula sa mga dahon

At ang payak na pagkakaayos ng hardin

Minsan talaga, kailangang berde ang mundo natin

Kalmante ang buhay – Walang ka-stress stress

Kung di lang malakas ang kahol ni Chad

Hindi siguro ako natigalgal sa kinaroroonan ko

Back to reality bigla ang drama

Naramdaman ko agad ang init ng sikat ng araw

Pawis na pawis na pala ako

Tiningnan ko uli ang mga tanim

Parang nawala ang tingkad nila

Napa-buntong hininga na lang ako

Pati si Mama Mary parang nakiramay sakin

Related Posts with Thumbnails