What Women Want

courtesy of roymacIII

Okay, okay… mas marami talagang babae sa mundo.  At dahil dyan admittedly, we cannot take them for granted.  Kumbaga, dedmahin mo na ang lahat wag lang ang babae.  Pero ano nga ba talaga ang nagpapasaya sa kanila?  Heto ang tatlumpung tips na nakalap ko hindi dahil feeling-girl ako kundi dahil yan ang experiences ko dealing with women.  Read on…

  1. Regaluhan mo sila! Hindi kailangan may okasyon.  Hindi rin importante na expensive ang regalo mo.  It’s the thought that counts.
  2. Huwag na huwag mong kalimutan ang mga importanteng okasyon. Birthdays, monthsary, anniversary, first kiss at kung anik-anik pang memorable occasions.
  3. Iparamdam mo that you care for her. Sino ba namang tao ang hindi nangangailangan ng kahit konting lambing.  Lalo na ang mga babae – maging sweet ka naman paminsan-minsan.
  4. Iwasan ang magsinungaling. I know. I know… mahirap gawin pero kapag nagawa mo naman pogi points ka talaga palagi.  Mas mahirap kapag nalaman ng girl na nagsisinungaling ka.
  5. Don’t ever mention your ex-girlfriends. Huwag mag-compare.  Ibaon na sa limot ang dumaang babae sa buhay mo!
  6. Tanggapin ng maluwag sayong puso ang mga mahal at gusto nila. Kahit iritado ka pa sa mga gusto nila, wag mo nang ipakita.  Tiisin mo na lang.
  7. Express yourself sincerely – Sabihin mong mahal mo sya. Masarap para sa kanila ang marinig na binigkas mo ang “I love you” palagi kaya wag ka ng kuripot sa pagsabi nyan, okay?
  8. Kapag magkasama kayo, give her your undivided attention. Turn off your cell phone.  Don’t discuss your work with her and instead focus on spending quality time with her.
  9. Kahit sintunado ka, subukan mong kantahan ang girl. Tiyak na matutunaw ang puso nila.  Praktisan mo din naman kasi ang aawitin mo para sabihing nag-effort ka.
  10. Kahit saan ka man naroroon, let her know where you are. Either tawagan mo sya or magpadala ka text message.  At least di na sya magaalala.
  11. Patawanin mo sya. Simulan mo sa knock-knock jokes.  It’s great to share a laugh with them.  And take note, tumawa ka kahit corny ang jokes nya.
  12. Be gracious with your adjectives. Kahit tumaba o tumanda na sila, they’re always the most beautiful girl in the world for you.
  13. Maging romantiko ka rin once in awhile. Treat her to a candle-lit dinner.  Write her a poem.  Women love  romance.
  14. Huwag kang mambola. Ang mga babae pa naman alam agad kung nambobola ka o nagsasabi ka ng tutuo.
  15. Ang mga babae iginagalang. To be on their good side always, wag kang bastos.  Respect begets respect, ‘ika nga.
  16. Huwag ikaw ang dada ng dada. Listen to what they have to say.  Hindi lang ikaw ang magaling.  Malay mo mas magaling pa sila sayo.
  17. Unahan mo silang magtext ng sweet messages sa umaga. Hindi ito expected sa mga lalaki kaya nga pag ginagawa mo ito, nasa 7th heaven ang mga girls.
  18. In the least expected moments, do something out of the ordinary for her. Sayawan mo sya ng para kang macho dancer.
  19. Learn to compromise. Kung type nyang manood ng teleserye sa kasagsagan ng news, pagbigyan mo na!
  20. Out of the blue, offer to massage her. Kahit sa shoulders nya lang or her feet.  Lalo kang mamahalin ng babae nyan.
  21. Bring her pasalubong from time to time. Pansit, siopao, chocolates… it doesn’t matter basta may dala ka for her it would mean a lot.
  22. Hold her hands kapag namamasyal kayo. Nakakataba ng puso when you do that in public.   Dapat proud ka sa kanya.  She’s your trophy so show her off.
  23. Don’t be shy – yakapin mo sya. Mas nararamdaman nila ang pagmamahal mo pag niyayakap mo sila.
  24. Iwasan makipag-away o makipag-argue over petty things. Kung pwedeng pagusapan then do so.
  25. Halikan mo sya ng mas malimit. Iwasan ang halik-Hudas.
  26. Regaluhan mo sya ng paborito nyang pagkain. Or treat her to dinner.  Pagipunan mo naman ito.
  27. Huwag maging kuripot in praising her. Pansinin mo kung may mga pagbabago kang nakikita sa kanya.  Siempre pansinin mo ang positive at wag ang negative developments.
  28. Make good love with her. Like it or not, importante na enjoy sya in making love with you.
  29. Kahit gaano mo pa ini-idolize si Angelie Jolie, never compare her to Angelina! Or don’t compare her with other girls.
  30. Mag-effort ka na makilala ang mga kakilala nya. At least naman first name basis kayo ng mga close friends nya.

O ayan ha… kapag di ka pa minahal ng babae nyan, ewan ko na.  Good luck and feel the love everyday!

Related Posts with Thumbnails