The Two Towers of Pinoy Big Brother

Resbak Attack!

Kasumpa-sumpa ang ginawa ni Kuya!

Isang linggong nawindang ang buong Pilipinas!

Sa buong akala naming manunuod ng Pinoy Big Brother

Makakapag-pahinga na kami after ma-evict si Cathy

Yun pala ang simula ng pagtaas ng stress level namin

Hayop ka Kuya!  Naisahan mo nanaman kami!

Hindi na nga nya pinalabas agad si Cathy

Nagpapasok pa siya ng mga ex-housemates

Para gulantangin ang mundo ng natitirang boarders nya

Bumulaga sina Rica, Tom, Delio, Princess, Patrick, Rob and Yuri

Ang misyon nila:  Buwagin ang mga comfort zones ng housemates

Siempre expected na puro palaban ang evictees

They all have axes to grind with their former housemates

Sabihin na nating inutos lang ni Kuya ang ginawa nila

At ang main objective nila ay inisin ang remaining housemates

To the point na lalabas ang tunay na ugali ng mga nasa House A

Eh ang siste mas lumabas ang sungay ng mga evictees

Nakakagulat ang pagkasupladita ni Rica

Nakakaimbyerna ang biatchness ever ni Princess

Kasuka-suka ang ugaling kalye ni Delio!

Where did all that attitude come from?

Dahil hindi masikmura ni Tom ang task nila

Minabuti na lang nyang umexit uli…

Now that’s class, par excellence

Pero hindi pa rin natigalgal si Kuya

Agad nyang pinalitan si Tom with Kenny

And with the Tower and Egg Challenge

Tuloy-tuloy na ang pag-guho ng samahan sa House A

Lumabas ng todo ang pag-uugali ng bawat isa

Paul Jake was his usual competitive self and this time combative na sya

Tibo distrusted the intentions of Jason and Melai

Johan, ever mindful of the voters, played it safe all throughout the challenge

Mariel, for all her kaartehan, proved that she can stand up to anything

Hermes lost all his balls last week – sayang sya!

Kath, for me, is the best player of the game…

Don’t be deceive by her tears — she is playing her cards right!

Her sharing of the bounty as Head-of-Household with Melai was a stroke of genius

Alam ni Kath that siding with Melai will win her sympathy from Melai’s fans

Kath just might be in the Big Four

As for Jason and Melai…

Jason, true to form, valued PAGSASAMAHAN over MONEY

Kesa daw magkasakitan sila ng mga dating kasama

Dapat daw hayaan na lang ang ex-housemates na gawin ang gusto nila

“Pera lang yan.” matatag na sinabi ni Jason

Agree naman ang Melai sa stand ng syota nyang hilaw

Nararamdaman kasi nya na palabas lang lahat ang ginagawa ng evictees

Both of them gave up their eggs to Delio because of trust

They did not desert their housemates

They just valued the friendships they have with the evictees

From the very start, talo na ang housemates

How can you defend the two towers of dominoes

From the relentless attacks from the ex-housemates?

Eh nasa gitna pa ng pool na parang pang-target practise

And the evictees had the upper hand, attack-wise

Sa tingin ko the TWO TOWERS meant something else

Sabi ni Kuya:  Gawin nyo ang lahat para NAKATAYO pareho ang towers

Sa ganang akin, the two towers stood for the HOUSEMATES AND THE EVICTEES

Dalawang grupo – Dalawang tore

Dating magkakasama sa loob ng bahay

Pagkakaibigang nabuo dahil sa samahan sa bahay ni Kuya

It was indeed a test of TRUE FRIENDSHIPS

“Huwag hahayaang mabuwag ang DALAWANG TORE…”

It was a test of what the housemates stood for

PAGKAKAIBIGAN ba?

O pera-pera na lang?

Methinks, Kuya wanted to see something more from the housemates

Sa tingin ko, walang nanalo o natalo sa Tower & Egg Challenge

Ang dalawang tore ay ang mga remaining Housemates at mga evictees

Sila ang bumubuo ng  edisyon na ito ng Pinoy Big Brother

Ang samahan nila ang magtataguyod ng kasikatan nila

Sa mga pangyayari last week

Nakita natin ang epekto sa kanilang lahat

Nakatayo pa kaya ang DALAWANG TORE?

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata…

Related Posts with Thumbnails