
Sobrang kwela talaga nito. Tinag ako sa facebook containing this kaya na-inspire ako na i-repost dito. I edited a few words and added my own versions from#17 onwards. Kung sino man ang may-gawa nito, mabuhay ka – uber ang bilib ko sayo! Read on…
- THE MANAGER – Palaging nagyaya at taya.
- PLAYMAKER – Tanggero sa inuman. Pinagmamasdan ang kinikilos nyo.
- HIKER – Active: Palipat-lipat ng upuan para makarami ng tagay; Passive: Palipat-lipat ng upuan para makaiwas ng tagay.
- DENIAL KING/QUEEN – Nagpapanggap na kaya pa kahit lasing na
- KID SENTI – Maraming naaalala kapag nakainom na
- THE FLASH – Umuuwi ng walang paalam – naglalaho na parang bula lalo na sa bayaran
- KUNG FU MASTER – KUNG FU mulutan malupit – ginagawang hapunan ang pulutan
- SLEEPING BEAUTY – Madaling makatulog. Resulta: Madalas pag-tripan
- THE CHOSEN ONE – Official runner sa tindahan. Tagabili ng yelo, yosi at alak. Tagalinis ng kalat.
- THE INCREDIBLE HULK – Kapag nalalasing, naghahamon ng away
- DEADMAN DRINKER – Pinakaunang nalalasing
- SEX FINDER – Naghahanap ng jerjer kapag lasing
- JOKER – Hindi nauubusan ng kwentong patawa – masayang kasama
- BARBER – Mahilig sa magkwentong-barbero kahit wala nang sense ang sinasabi
- VIDEO MASTER – Wala nang pakialam basta may hawak na mikropono
- THE ORIGINALS – Palaging kasama kahit saang tagayan, present.
- CARELESS WHISPER – Nagsi-sexy dance kahit walang music
- DARNA – Lumalabas ang tunay na kulay pag lasing
- KISSING BANDIT – Nanghahalik kahit sino – babae man o lalaki
- GITARISTA – Parang may concert pag kasama – nagpapasaya ng tagayan
- DEDMA – Hindi nalalasing kahit tumba nang lahat
- HUBADERO – Iwasang malasing ito kasi bigla na lang maghuhubad
- DEBATE KING/QUEEN – Makikipagdebate kahit walang katorya-toryang bagay
- FEELING PARENT – Laging pinapaalala na malalim na ang gabi o maguumaga na
- TELENOVELA ADDICT – Kalilimutan ang lahat makapanood lang ng paborito nyang telenovela
- COLLECTOR – Taga-kolekta ng chip-in chip-in kapag naubusan ng tagay
- THE COOK – Mahilig magluto ng ipupulutan
- SWIMMING CHAMPION – Nakakatulog sa sariling suka
- THE SCANDAL – Kapag nalalasing, nagbabasag ng kung anik-anik na lang
- KAPAG IGAT SIKAT – Lahat ng opposite sex nilalandi pag nalalasing – pati nga maid, eh!
O, alin ka ba dito? Kung meron kang idadagdag, mag-comment ka lang. Now na.
Related posts:
- Sampung Utos Ng Manginginom (Old Testament)
- Sampung Utos Ng Manginginom (New Testament)
- Sampung Mga Ginagawa ng Mga Lasing
- Interesado Kaya Sayo Ang Crush Mo?
- May Syota Ka Nga Eh Hapi Ka Ba?
Please rate this post!
Did you enjoy reading this blog post? Aminin! Subscribe now!





General Santos Time


January 28th, 2010 at 7:48 AM
Sobrang natawa ako sa post na ito. Genius!
January 28th, 2010 at 7:36 PM
hahahaha! kakatuwa kahit medyo R-18.
October 11th, 2010 at 11:28 AM
ASA PALAGI: walang pera palagi pero inom naman ng inom. ang kapal ng mukha dina nahiya !!