Tips Para Sa Mga Babaeng May Syota

Ito’y para sa mga kaibigan kong babae na may syota.  Payong kapatid lang, mga ineng… iwasan nyong gawin ang mga bagay na ito kung gusto nyo pang lumawig ang pagsasama nyo ng dada, bebe, wishart, papa, papi, paperu, papabels nyo.  Ang importante, enjoy mo lang ang moments nyo at huwag masyadong mag-inarte!  Syota mo pa lang yan kaya pwede pang palitan.  Ayan, sige basa na…

  1. Iwasang pagusapan ang kasal.  Kung gusto nyong biglang magka-amnesia ang boy-friend nyo at bigla kang iwanan sige i-open mo ang dream mong makasuot ng wedding gown.  Ang laman ng utak ng mga lalake ay kalimitang tungkol sa boobs, jerjer, tagay at barkada.
  2. Huwag magpapakita ng motibong gusto mong magka-baby sa kanya. Ganito ang tumatakbo sa isip ng lalake kapag nag-mention ka ng baby:  Baby Topic = Wedding Bells = Tip No. 1.  Mabilis pa sa alas-kwarto lalayo ang hinayupak na yan sayo.
  3. Plano nyong mag-live in?  Think again. Andami kong mga kaibigang na mag-syota na masasaya na sana until they decided to live together.  Hello, di ba talo na agad ang babae sa ganyang arrangement?  Wala kang pinanghahawakan papeles ng kasal dyan.  And believe you me, mas madali para sa guys ang umayaw agad kapag hindi na nagwo-work ang live-in arrangements nyo.
  4. Easy lang sa pagti-text sa BF mo. Kung inaakala mong okay yung halos minu-minuto ka nang nagti-text sa kanya then I am telling you now to stop “harassing” him with your constant text messages.   Alam ko na gusto mong maging parte ng buhay nya pero huwag naman na pati sa mga oras na di kayo nagkikita eh gusto mo pang pakialaman.  Heto na lang para mas maintindihan mo ang buhay ng mga lalake – ganito ang usual na cycle ng buhay nila:  Gigising sa umaga.  Eebak.  Maliligo.  Papasok sa skul/trabaho.  Kakain.  Balik skul/trabaho.  Tatagay.  Uuwi.  Matutulog.  Uulitin ang buong cycle.  Ayan sige text mo sya habang umeebak sya, aber, kung sweet pa rin ang dating mo.
  5. Tigilan ang pagku-kwento about sa dati mong syota. Eh sino ba namang lalake ang gustong marinig ang mga patungkol sa ex ng syota nila?  At huwag na huwag mong iku-compare ang present bf mo sa ex mo.  Bakit?  Gusto mo bang kwentuhan ka rin nya about sa ex-girlfriends nya?
  6. Hayaan mong mag-enjoy ang BF mo with his barkada once in a while. I’m sure may Girls’ Nite-Out din kayo ng mga kaibigan mo.  Everybody needs time with their own kind paminsan-minsan.  And during these times, let him enjoy himself at tigilan na ang pagti-text ever!
  7. Selos at Insecurity. Sa tutuo lang, ito talaga ang nangungunang relationship killer.  Unang-una, dapat tanggap mo sa sarili mo na worthy ka bilang syota ng boyfriend mo.  Meaning, alam mong walang ibang pwedeng sumabay sa kagandahan mo sa mata ng boyfriend mo.  Eh kung ikaw mismo eh hindi convince na worthy ka nga, papano mo namang mapapaniwala ang bf na tama ang desisyon nyang ikaw ang pinili nya over the rest.  Kaya, sister, carry mo yang sarili mo.  Okay naman ang magselos pero wag mong gawing career yan at mauunsyami ang buhay pag-ibig mo.

Siempre bilib ako sa mga relationships ng mag-syota na habang tumatagal ay lalong lumalakas.  Everything really is trial and error.  Ang importante eh yung panguunawa sa isa’t isa.  Bawasan din ang pride at matutong tanggapin na minsan nagkakamali din tayo.  Pinakamahirap ang humingi ng tawad pero isa ito sa nagpapatibay ng samahan.  Sige na kayo.  Go and fall in love.  Ang sarap kaya.

Related Posts with Thumbnails