UPDATED: Mga Kaibigang Pasaway

walang kinalaman ang litratong ito sa blog post na ito.

Ang tolerance level ko para sa mga kaibigang pasaway ay lampas langit.  Pero minsan kapag uber na sa pagka-over acting, kailangang kumilos na at giyerahin na rin sila para magising sa fantasy world nila.  It takes a real friend para pagsabihan ang mga pasaway na kaibigan na sumusobra na sila.  At para naman aware ka sa mga klase ng mga pasaway na kaibigan, basahin mo ito:

  1. FEELING GENIUS. Usually, ito yung mga taong feeling intellectual talaga.  They always have an opinion about anything.  Ito yung mga bigla na lang sasali sa kwentuhan nyo and will end up dominating the conversation.   Huwag na huwag nyong i-assign na mag-organize ng event nyo at malamang papalpak lang yan.  They are better off being led than leading.
  2. FEELING SOSYAL. Ito yung super inarte ever so much.  Maraming bawal sa mga feeling sosyal.  Hindi sila palakaibigan pero pag naging friend mo naman sila, mega-loyal din naman sila.  Yun nga lang lalaitin ka muna to the highest heavens bago ka nila tatanggapin.  Kumbaga pag nasurvive mo ang lait ever nila, you’re in the circle already.  Ang kagandahan sa mga ganitong friend, galante sila sa librehan.
  3. FEELING NEGA. Ang mga taong nega ipinanganak yatang nakasimangot na.  Kung si feeling intellectual has an opinion about anything, si feeling nega naman has nothing good to say about everything.  Palaging negative ang lumalabas sa bunganga nila.  Tiisin mo lang ng konti kasi todo naman magmahal ang mga feeling nega.  Kung magregalo sila sayo walang pakundangan.  Siguro happy sila at natitiis mo sila.
  4. FEELING CONCERNED. Huwag kang magtataka kumbakit kasali ito sa mga pasaway.  Ito kasi yung mga taong over-protective masyado.  Super seloso ang mga tipo nila.  Halos araw-araw na nga kayong magkasama, pati mga private activities mo gustong malaman.  Ano sila, sineswerte?  Yun bang ayaw nila na may bago kang friends o di kaya ayaw nilang may iba kang activities without them around.  Okay din naman na concerned sila o seloso sila kasi nakakataba ng puso.  Pag sumobra naman gusto mo na talaga silang isuka.
  5. FEELING EMO. Kapag ganito ang friend mo, humanda ka na maging sponge to take in all their problems.  Ang mga feeling emo, wala na yatang saya sa buhay.  Feeling nila, pinagkakaisahan sila palagi ng lahat ng tao.  At dahil friend ka nila, ikaw ang takbuhan at sumbungan ng bayan.  Take note, nakakahawa ang mga feeling emo kaya’t maaga pa sampalin mo na sila nang magising na sa kadramahan nila.
  6. FEELING SPECIAL. Ang mga feeling special ay yung mga kulang sa atensyon o kulang sa pansin.  Gusto nila laging tutok ang atensyon mo sa kanila.  Gusto nila eh yung nagwo-worry ka para sa kanila palagi.  Konti lang na hindi mo sila pinansin nakasimangot na yan.  Sila yung mga tampururot ever so much.  Ang nakakairita sa mga ganitong friend eh kung kelan pa busy ka masyado saka pa magiinarte.  Ansarap tirisin!

Eh ikaw, anong kategorya kang kaibigan?  Iwasan nang mag-inarte and for as long na ayos lang ang buhay, oks na yan.  The lesser drama, the better.  Susme andami nang nangyayari sa mundo magiinarte pa tayo?  Kaya pag may friend kang nagiinarte, sagasaan mo na agad!

Related Posts with Thumbnails