Interesado Kaya Sayo Ang Crush Mo?

I’m enjoying my Saturday alone-time today.  Then it dawned on me na mas maraming TUTUONG alone sa mundo ngayon.  Eto yung mga taong walang syota o walang asawa pero sandamakmak naman ang crushes.   Irregardless sa sexual preference ng tao, halos pare-parehas lang ang ginagawa nating pagpaparamdam sa mga crush natin.  Maswerte na nga kung pinapansin nila tayo.  Ang masaklap pa nyan eh kung yung crush natin eh may syota na o asawa.  Oh well, we can only hope for the best.  At para hindi na masayang ang energy mo sa pagpapa-charming sa crush mo, heto ang mga pahiwatig na hindi ka type ng crush mo…

  1. Di sya ang nauunang mag-text sayo.
  2. Hindi ka nya pina-private message sa chat (YM or Plurk).
  3. Ang tawag nya sayo either Kuya or Ate or Friend.
  4. Pag iniimbita mo sya for a date, magtatanong sya kung sinong mga kasama nyo.
  5. Malimit nyang topic kapag naguusap kayo eh ang crush nya.
  6. Hindi sya komportable pag lumalambing ka.
  7. Antagal nyang mag-reply sa mga text or chat messages mo.
  8. Pati mga email messages mo sa kanya walang reply.
  9. Pag magkasama kayo parang gusto na agad nyang umuwi.
  10. Hindi ka nya matitigan ng matagal sa mata.
  11. Kahit anong pagpapaganda o pagpapapogi mo, hindi nya ito napapansin.
  12. Pag may problema sya ikaw ang takbuhan nya.
  13. Pag masaya ang buhay nya parang hindi ka nya kilala.
  14. Kung open book ka sa kanya sobrang secretive naman sya sayo.
  15. Try mo syang imbitahin and andami nyang palusot para umayaw sayo.
  16. Sabihan mo sya ng “I love you” at ang isasagot nya:  “I have so much respect for you…”
  17. Yung mga regalo mo sa kanya parang bale-wala lang.  Minsan ipinamimigay pa sa iba!
  18. Never ka nyang binigyan ng regalo, EVER!
  19. Masaya syang kasama kapag marami kayo pero pag kayong dalawa lang super uneasy sya.
  20. Maririnig mo na lang from your other friends na iritado sya sayo.

Kapag napansin mong 5 out of 20 sa nakalista dito eh nangyayari sa buhay-crush mo, gumising ka na sa katotohanan na walang ka ng pag-asa sa kanya.   Huwag ka nang magkagusto sa sobrang magaganda at pogi kung di ka din naman kagandahan at kapogihan.  Marami pang iba dyan sa tabi-tabi na pwede mong pagtuunan ng pagmamahal mo.  Malay mo yang katabi mo ngayon eh maging syota mo!  In the meantime, happy hunting na lang!

Related Posts with Thumbnails