Birthday Bash Of The Year

Ang ngiti ni Kuya Avel kagabi from ear to ear

Para syang bride na walang groom na table hopping ever

Iba’t ibang age categories pa ang dumating na guests nya

Yung mga bata, either bloggers or plurkers

Yung mga isip-bata naman, mga katsokaran nya since 1970s

Pero di mo ma-feel na may great divide

Kasi enjoy-enjoy lang ang lahat

Sobrang dami ng food ang handa nya

Dalawang lechon at dalawang buffet tables

Sankaterbang iba’t ibang cake and fruits

At kahit tapos na kaming kumain

Panay pa din ang dating ng food

Success ever ang solicitation committee

Eh asa ka pa, pot luck dinner party kaya

Kaya bring ever ng food ang umattend

Bonggacious ang guests list

Walang naguunahang umuwi

Kasi nga cool ang party atmosphere

Eh dumating pa sina Mayor Jun and First Lady Rose

Laban kayo nyan?

Pero siempre uber saya kaming mag-anak

Kasi kahit ulilang-lubos na kami

Kahit papano nairaos din namin ang birthday ni Kuya Avel

Haba ng hair ng celebrant kasi winner ang party nya

Ang mas nakakatuwa kasi nagpang-abot talaga

Ang mga estudyante at mga espegwang

Sa umpisa may nahihiya pa

Nung kalaunan – aba, anlalakas nang lumamon

Nagunahan pa sa ice-cream na naubos agad

Nung magpapa-picture na with Mayor Jun

Mabilis pa sa alas-kwatro, nakaposing agad

Last night, for the first time hindi ako inarte

Hindi agad ako umakyat sa kwarto ko

Feeling ko birthday ko rin – hahahaha!

Happiness ever ako for Kuya Avel

At least in his lifetime

Naka-experience sya ng birthday bash

Na walang katulad sa saya

Ang problema namin ngayon

Sa dami ng sobrang pagkain

Yun at yun ang aming ulam

High blood ever so much talaga!

Sa lahat ng mga donors at well-wishers

Maraming salamat po at pinasaya nyo si Kuya Avel

Tumatanggap pa po kami ng donations

Just text DONATE <YOUR DONATION>

Then send to 14344

NOW NA!

Related Posts with Thumbnails