The Jason/Melai Love Affair pt. 2

Sa tanang buhay ko hindi pa ako kinilig ng todo-todo

Kagabi, kasabay ko ang buong Pilipinas, na nawindang!

Walang sandali na hindi ako nanginig sa kilig

Sobrang nakakaloka ang naging date nina Jason at Melai

Halatang hindi makapaniwala si Melai

Samantalang seryosong-seryoso si Jason

I’m sure maraming nagdududa sa intentions nya

Pero keber na – nagpapakatutuo lang sya!

Simula pa lang ng NINJA ek-ek ng  mga guys

Talagang hindi ko na iniwan ang telebisyon

Gusto kong tutukan kung paano mag-eevolve ang love team nila

At alam kong hindi lang ako ang tumututok sa dalawa

Sa tingin ko sina Jason and Melai na siguro ang pinakasikat na housemates

Magmula pa nung Season 1 ng Pinoy Big Brother

Ang kagandahan kasi dahil hindi naman plinano ang lahat

Sadyang nag-evolve na lang at lalong sumidhi

Nung maghiwalay ng bahay ang dalawa

Apektado talaga sila lalong-lalo na si Jason

Kaya nga nung maunsyami ang first date nila

I made it a point na hindi ko mami-miss ang episode kagabi

Sulit ang paghihintay ng lahat kasi uber ka-enjoy

Grabe ang twinkle sa mga mata ni Melai

And siempre si Jason parang si Robin Padilla kung manligaw

Kahit halata nang nagkakagusto na sya kay Melai

Pa-macho effect pa rin sya

Ang nakakatuwa, nagsabihan na sila ng I LOVE YOU!

Nung paalis na si Jason, ki-kiss daw sya na parang si Spider Man

Eh kaso engot nga si Jason sa pagbabaging

Kaya kiniss na lang nya sa pisngi si Melai

Natralala na talaga ang utak ko sa kilig

At nang magyakapan sila…

Susme para akong mabuang!

Nakatulog tuloy akong may ngiti sa labi…

Mas lalong naging kaabang-abang ang PBB ngayon

Ano kaya ang mangyayari ngayong iisa na ang bahay nila?

May selosan kayang mangyayari?

Hay naku, I couldn’t wait for the nightly episodes!

Maki-abang na lang po tayo!

YAHOO!

Related Posts with Thumbnails