My New Year’s Resolutions

Patapos nanaman ang taon and it’s that time of the year when we come up with our own New Year’s resolutions.  Ilang beses na akong gumawa nito and many times na din akong pumapalpak.   Kada taon karamihan na yata ng tao ay gumagawa ng kanya-kanyang mga plano kung papanong positibong mabago ang kanilang buhay.  Pansinin nyo ang top resolutions – ganun at ganun pa rin kaya’t malamang marami talagang hindi nakakasunod sa mga ginawa nilang resolutions.  Oh well, just the same, I am making them again – ang importante may goal ako next year.  Read on…

Lose Weight, Get in Shape & Stay Healthy

Siguro taon-taong present itong resolution na ito.  Ang hirap kayang magpapayat.  Ilang beses nang naunsyami ang diet strategies ko.  Sa tutuo lang it’s all about will power.   Kaya ko namang gawin kaso lang andami talagang temptations.  But this year, I’m going to lose weight for health’s sake.  I have to watch kasi my sugar and cholesterol levels.  Andyan pa ang BP ko!  So beginning January 1, I will control my food intake.  And for exercise, I will buy a stationery bike as per my doctor’s advise.

I Wanna Pay All My Utangs

First off, gusto kong ma-zero out ang credit card bills ko!  This year, gagawin ko talagang career ang mabayaran kong lahat ng utang ko.  I wanna have financial freedom.  I will also be a wise spender.  Grrrr… andami kong palpak na buying habits – nakakainis na!  I will definitely cut back on unnecessary purchases.  And if ever I’ll spend, I will pay in cash!  Tama na ang credit card purchases!

I Will Spend More Time with Family

Importante talaga ang pamilya.  Through thick and thin, sila lang ang maaasahan mo.  I will make sure that I will have more bonding time with them.  Since okay na kami ni Kuya Avel and my sister Maravel, this 2010, I wanna be closer to my nieces.  Hopefully, magiging mas pasensyoso ako sa kanila.  Babawasan ko ang taray ko with them.  I’m not getting any younger and so are my nieces.  Gusto kong maging parang magbarkada lang kami.  Bawi ever so much!

I Wanna Take a Vacation

Hindi lahat ng tao can go on vacation.  Dalawa lang ang dahilan, either walang perang pambakasyon or walang time.  I will definitely find time for my annual vacation.  And buti na lang, we were able to book cheap tickets to Malaysia, Singapore and Bangkok this July 2010 – kasama ko sina Kuya Avel, Marz and Mara.  Gusto ko din namang makapag-relax and just let my hair down.

Learn How To Drive

Gusto kong matutong mag-drive.  Dati na akong nag-aral ng driving kaso nakalimutan ko na.  I want to be able to drive my Ford Everest, period!  Ayoko nang nabuburo sa bahay kasi wala akong driver.

So there.  Sana Lord magawa kong lahat ng resolutions kong yan.  At sana ma-inspire ko naman kayo, my faithful readers to come up with your own New Year’s resolutions.  Good luck sa ating lahat!  Happy New Year po!


Related Posts with Thumbnails