My Magic Wand Wish List

Kung may magic wand ako andami kong mamadyikin.

Pero heto ang sampung mga gusto kong hilingin…

Una, tatapyasin ko ang lahat ng taba ko!  Gusto kong maging sexy uli!

Kaso pag sumeksi ako, pano na ang mga chub-chasers?

Pangalawa, gusto kong tumangkad konti… 5′ 8″ ako now, so magiging six-footer ako!

New set of wardrobes ever… gosh abelgosh!

Third, good-bye sa asthma ko — Ayoko na!  Tama na!  Sobra na!

Hindi lang ang asthma – pati BP, sugar and cholesterol levels, normal na dapat!

Pang-apat….hmmmm…. peraGusto ko ng maraming pera – Kaching!

At dahil may pera na ako, pay ko na lahat kautangan ever.

Ang panglimang mamadyikin ko…. time machine!

Andami kong gustong balikan at baguhin, as in!

Sixth, I wanna be able to fly… parang si Superman…

Iba ang adrenaline rush sa taas at kita mo lahat!

Pampito, gagawin kong Super Dog si Chad

Kasi pag Super Dog na siya, indestructible na sya!

For my eight magic wand wish, bibigyan ko ng one million pesos each ang mga friends ko!

Share ever ang drama pero hanggang dyan lang ang carry ko.

Flawless!  Gusto kong maging flawless ang buo kong katawan.

Happy naman ako of what I have pero as my 9th wish, go na ito!

And finally ang pansampu kong wish…

PEACE ON EARTH and GOODWILL TO ALL MANKIND.

Pakibaba ng kilay — kasi papano naman ako mag-eenjoy sa mga minadjik ko

Eh kung giyera ever left and right naman ang paligid ko?

Kaya go na yan, magiging abo lahat ng terrorists!  Ka-blam!

Happiness ever so much na agad…

Maligayang Pasko po mula sa Ganda Ever So Much!

Related Posts with Thumbnails