Another Housemate Bites The Dust

Twenty-five year old, Filipino-Japanese Yuri Okawa became the first housemate to be voted out by PBB viewers.   She is the 12th to leave the house.  Halatang hindi matanggap ni Yuri ang naging decision ng taumbayan.  Nasa confession room pa lang silang lima, Yuri was already vocal about the possibility of being booted out by the viewers themselves.   Para sa kanya, mas masakit na matatanggal kasi ayaw sa kanya ng mga manunuod.  When she was finally escorted out of the house, humahagulhol talaga sya.  Her mom was there to welcome and console her kaso nga super-iyak pa rin sya.   The crowd outside the PBB house broke into applause upon seeing the new evictee — this somehow put a smile in Yuri’s face.  Well, halatang bitter pa rin sya when she was asked by Toni Gonzaga to say something.  Sabi ni Yuri, “Sometimes hindi lahat ng nakikita niyo sa TV is true. Sometimes entertainment isn’t really entertaining, pero pinakita ko naman kung ano talaga ako. And I’m not that bad. Sometimes I’m just misunderstood. So I hope you guys will get to know me better.” The people have spoken Yuri, ayaw sayo ng majority ng mga bumoto kaya, good-bye bunot ka na!

Sa limang pinagpilian kagabi, tanging sina Yuri, Carol at Hermes lang ang nasa Top 5 na gustong i-vote out ng manunuod.  Rica and Melissa were actually safe.  Pero siempre random ang pag-announce na ginawa para mas thrilling.  Tatlo naman sa Top 5 ang binoto ko – sina Yuri, Mariel and Rocky.  I also voted for Patrick.  Obviously ang reason ko is how the housemates acted inside the house.  Dati pa I don’t like both Yuri and Mariel – malakas ang dating nilang pareho and if hindi ka nila type, sorry ka na lang — di ka nila titigilang sirain with the rest of the housemates.  They “killed” Princess in this manner.  I didn’t like both Rocky and Patrick because of the way they dissed Rica.  But Rocky has redeemed himself of late kaya mabuti na lang di sya na-vote out.   Ayoko pa rin kay Patrick.  Here’s how the viewers voted:   Yuri (26.52%), Mariel (22.9 %), Carol (17.25%), Hermes (9.80%), Rocky (7.01%), Sam (4.67%), Patrick (3.90%), Rica (1.0%), Cathy (1.58%), Kath (1.53%) , Melai (1.08%), Tibo (0.74%), Jason (0.60%), Paul Jake (0.46%), and Johan (0.32%).  Melai and Jason are, of course, in the bottom five.

After last night’s eviction of Yuri, the two houses merged into one.  Tapos na ang competition between two houses dahil nga magkakasama na rin sila sa iisang bubong.  Am sure meron pa ring konting uneasy moments nyan but I think eventually magkakaigihan din silang lahat.  Pero sa tingin ko dito na talaga magsisimulang mag-iisip ang mga housemates.  Survival of the fittest na ito.  Alliances will be formed and the nominations will be more intense.   Magpapakiramdaman muna ang bawat isa sa kanila but I think magkakampihan pa rin ang dating magkakasama.  They will try to protect each other pero talagang depende na ito sa ugali ng bawat isa.  One thing certain, mas nagiging exciting na ang kaganapan sa bahay ni Kuya.  Lalo ring nagiging bonggang-bongga ang love team nina Jason & Melissa.  Watch out for their private date tonight dahil super-kilig moments ang aatikabo.  In the meantime, stay glued to the goings-on of Pinoy Big Brother Double-Up Edition.

Related Posts with Thumbnails