The Farm @ Carpenter Hill

photo courtesy of Hector Miñoza

Maganda ang ginawang pakulo ng The Farm ngayong pasko

Pinuno nila ng makikinang at magagarang ilaw ang main foray area nila

Sa umaga, aakalain mong napakasimple ng decorations nila

Mamamangha ka na lang kapag nagtakip-silim na

Isa-isa nang paandarin ang iba’t ibang makukulay na ilaw

Ito ang Christmas Wonder Lights sa The Farm

Ang The Farm ang venue ng Photo-Journalism Workshop for Bloggers

Located ito sa Carpenter Hill, Koronadal City

Itinuturing itong pangunahing venue ng mga conferences, seminars at workshops

Isa rin ito sa paboritong venue ng Garden Weddings

Kumpleto ang basic amenities dito at mukhang bago pa ang mga gamit

Very welcoming ang atmosphere kasi magagalang ang crew nila

Pagdating sa pagkain wala kang itulak-kabigin dahil uber sa sarap!

May mga rooms na rin sila for their guests

Kung ikaw yung tipong kailangang magmuni-muni

Then this is it!

Sa umaga, you get in touch with nature

Sa gabi naman, enjoy mo na lang ang huni ng mga kuliglig

photo courtesy of Donna Mae Congson

Malawak ang developed area ng The Farm

Kaya’t kung morning walks and ehersisyo mo, okay ka dito

Kung mahilig ka sa photography, andami talagang possibilities

photo courtesy of Donna Mae Congson

Marami pang gagawing expansion sa The Farm

Siguro isa sa dapat nilang idagdag ay swimming pool

At tuloy gawin nang wifi-ready ang buong area

Anyway, as it is, sulit na ang pagbisita dito

Ngayong Pasko, sa halagang 50 pesos

Let your kids experience the Spirit of Christmas

Consummable ang entrance fee kaya pwedeng umorder

Kodakang umaatikabo ito kaya dalhin ang camera nyo

Have great fun @ The Farm!

Related Posts with Thumbnails