Sampung Tips Sa Mga Aatend Ng Class Reunion

reunion

I’m sure na maraming naiinsecure tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre.  Eh kasi naman, kalimitan dito ginaganap ang taunang reunion ng mga magkaka-eskwela sa high-school at college.  Lahat na siguro ng mga insecurities natin lumalabas kapag ganitong okasyon.  Kung nagdadalawang isip ka about joining your class reunion, think again.  Iba ang sayang dala ng muling pagkikita sa mga kaklase mo dati.  Okay lang yang nararamdaman mong takot.  Don’t worry, dahil kung insecure ka, malamang ganun din ang karamihan.  At para maenganyo ka lalo, hetong mga tips ko para maging mas makabuluhan ang pag-attend nyo ng reunion nyo:

  1. Huwag nang baguhin ang di kayang baguhin. Kung tumaba ka, eh ano?  At least hindi ka pagiisipang naghihikahos sa buhay.  Huwag nang piliting mag-diyeta para mabawasan ang timbang mo.  Hello?! Kaliwa’t kanan ang party sa December and I’m sure takam na takam ka more than ever.  Kung pumayat ka – well ibang istorya na yan.  But keber na.  You can always say without batting an eyelash:  “Ito kasi ang gusto ni Dra. Belo, eh!” Kung di pa sila mawindang nyan, ewan ko na!
  2. Maligo ka at magpabango. At the least, make an effort para mas madali kang yakapin, kamayan at beso-besohin.  Kung dating kilala ka na “It’s-you-they’re-talking-about,” then this is your chance for redemption.  Make sure na maliligo at magsisipilyo ka.  Kung may pabango ka, go for it – wag lang OA at sumobra ng lagay at baka lalo ka lang iwasan ng mga kaklase mo.
  3. Come as you are. Iwasan nang bumili ng bagong damit.  Baka ang mabili mong damit eh hindi ka lalo maging komportable.  Use the most comfortable clothes that you have.  Siempre kung pormal, am sure meron ka naman nyan.  Kung wala naman, just wear something decent.  Ang importante, komportable ka.  Huwag ka naman pumunta na naka-beach attire kung dinner party ang invitation.  Haler?
  4. Bawal ang pikon sa reunion. Huwag kang masasaktan kapag may sasalubong sayo at isisigaw:  “Ano ba yan, tumanda ka na!” Kaya nga reunion kasi maraming taon nang dumaan.  Siempre tumanda na nga tayo.  Ang challenge dyan:  Tumanda ka ba gracefully?  At saka expected ang mga ganyang reactions lalo na’t super tagal na kayong di nagkikita.  So, chill lang!  Sagutin mo siya ng ganito:  “Oo nga, eh!  Eh ikaw, pangit ka pa rin!”
  5. Ihanda ang self-introduction mo. Iwasang gumawa ng isang kilometrong haba ng introduction.  The shorter, the meatier, the better.   Walang pakialaman ang mga dati mong kaklase sa pigsa mo sa pwet.  Go direct to the point.  Sabihin mo kung anong pinagkakaabalahan mo ngayon.  Huwag kang mahihiya.  Matagal na nilang alam kung ano ka ngayon.  Kumbaga, you’re just confirming it.
  6. Control your alcohol intake. Ito ang paka-ingatan mo.  Huwag na huwag kang uminom ng sobra.  Kahit pa tsina-challenge ka na mag-bottoms up ng isang baso ng tanduay, smile ever ka lang.  Hindi ka na bata at dahil sa sobrang kalasingan, magba-black out ka at bigla mo na lang paghahalikan ang mga katabi o bigla ka na lang maghuhubad without any reason.  Nakakahiya ka the next day.  So hold on to your bottle.
  7. Time to make peace with everyone. Kung hanggang ngayon, may galit ka pa sa mga kaklase mo then it’s time to make amends.  Aminin mo na ikaw ang nagsumbong sa principal na may kodigo sa kilikili ang school bully nyo.  Am sure kung hindi ka man nya patawarin, madyo-dyumbag ka.  At least, you initiated the peace initiatives, diba.  Bahala na si Lord sa kanila.
  8. Dapat may pang-Talent Portion ka. Dati, madali kang makalusot sa mga programs nyo sa school.  Ngayon, kahiya-hiya naman kung di ka pa magpa-participate.  Keber na kung sintonado ka – go, sing!  Keber na kung chacha lang ang alam mong sayaw – go, dance!  Make an impression.  Kahit na weird impression, impression pa rin yan.  Ang importante, mapapasaya mo ang grupo at maaalala ka nila forever and ever.
  9. Play the underdog. Kumbaga wag kang magyabang.  Pag kinukumusta ka – play the “kawawa-factor”  pero wag mong sobrahan.  Chances are at the end of the party, magpa-pass the hat ang mga kaklase mo and ido-donate sayo ang mga nakolektang pera.  Make sure lang na sa next reunion mas umokey na ang buhay mo, ano!  Anong akala mo sa mga kaklase mo, kawang-gawa?
  10. Control your survival instincts. Hindi kailangang lahat ng parlor games na may premyo ay sasalihan mo.  Am sure walang uuwing luhaan tuwing reunion dahil maraming give-aways yan.  Another thing, hangga’t hindi ina-announce, huwag na huwag kang magti-take home ng sobrang pagkain.  Nakaplano nang lahat yan kaya’t take it easy – baka sobra pa sa sobrang pagkain ang mabibitbit mo pauwi.  So wag kang ma-tense, okay?

So ngayon pa lang, mag-ready ka na.  Just be yourself.  Mas katanggap-tanggap ka bilang ikaw.  Isa pa, it’s not worth the the effort.  Umatend ka lang at mag-enjoy.  And make an effort to keep in touch with your old friends after the party.  Bawal lang mangutang.  Yan ang pinaka-mortal sin sa lahat.

Related Posts with Thumbnails