Sampung Dapat Gawin Pag Kaka-break Nyo Lang Ng Syota Mo

courtesy of chattee lara

Okay, okay … kaka-break nyo pa lang ng syota mo.  Windang na windang ang utak mo.  Hindi mo maarok ang emotions mo.  Anong pwede mong gawin, kamo?  Sige, tutulungan kita.  Hetong sampung pwede mong gawin habang tuma-tambling ang puso mo:

 

  • Delete mo sya as friend sa Friendster, Facebook, Plurk at Twitter accounts mo. Sabi nga, if you have to cut, then you have to cut cleanly.  Delete mo na agad!  Pati mga pictures nyo together, delete na agad!  Saka mo na lang i-search uli para maka-view ka sa profile nya.
  • Palitan mo agad ang status mo from MARRIED o IN A RELATIONSHIP o IT’S COMPLICATED to SINGLE. Dapat ipakita mo sa ex mo move on na move on ka na.  Check mo agad kung pinalitan rin nya ang status nya.  Am sure ngingiti ka kung hindi pa napalitan.  Wag kang hibang, busy lang yun at papalitan din yan!  Unahan mo na agad.
  • Magparamdam ka sa mga dati mong naging syota. Friendly ek-ek lang naman.  Pero wag na wag mong babanggitin na break na kayo ng present mong syota.  Well, unless tanungin nila.  Wag kang umasang babalikan ka ng mga yan!  Ano sila, social welfare?
  • Magpakitang-tao ka! Show to the world na carry mo ang pagiging single uli.  Ano ka, affected?  Esmyuski lang.  Rampa ka to the max.  Go ka sa mga gimik left and right.  Saka ka na lang umiyak-iyak pagkauwi mo at pag nasa loob ka na ng kwarto mo.  Don’t forget the tissue.
  • Palitan mo na ang pictures ng ex mo sa naka-display na picture frames. Start with a clean slate.  Kung di mo kayang punitin, sige, itago mo muna.  Pag nalulungkot ka, utang na loob, wag mo nang titingnan ang mga pictures nyo together.  Palitan mo na ng pictures nina Ninoy at Cory Aquino.  At least hindi ka talaga nag-iisa nyan.
  • Lahat ng bagay na nagpapaalala sayo about your ex, itapon mo na. Wag mo nang basahin ang mga love notes nya.  Yun mga naka-preserve na roses, itapon na agad!  Kung di mo pa kayang itapon, get ka ng box at dun mo muna ilagay.  Pag carry mo nang sunugin, go sunog them agad.  Now na!
  • Buy something for yourself.  Buy something expensive. Take note, dahil sa ex mong yan, andaming naunsyaming things-to-buy ang buhay mo.  Now is the time.  Keber nang mahal basta para sa sarili mo dapat at wag mo na syang bilhan ng para sa kanya, gagah!
  • Magpaganda ka uli.  Kung mataba ka, magpapayat.  Kung di ka maganda, subukang mong magdasal. Baka maawa si Lord at milagruhan ka.  Seriously, dapat wag kang depres-depresan dyan.  Go ka agad at magpa-facial.  May extra funds ka na kasi wala ka nang syota so afford mo na yan.
  • Magbakasyon ka. Pero please lang wag kang pumunta sa mga lugar na pinuntahan nyo ng ex mo.  Iwasan ang mga lugar na pwede kang tumalon at magpasagasa.  Wag kang over-acting dyan.  Get a real vacation.   Isama mo ang pamilya mo.
  • And lastly, putulin na ang linya ng cell phone nya. Susme, baka tumawag yan sa abroad patay kang bata ka.  Erase mo na din ang lahat ng numero nya.  Pati ang numero ng nanay, tatay, kuya, ate at yaya nya, delete agad!  Wag papansinin ang mga anonymous pa-tweetums na messages.  Malamang sya yan at gustong makipagbalikan.  Gumising ka na, hoy!

Ayan, sampu lang yan.  Don’t tell me na hindi mo kayang gawin ang mga yan.  Mind over matter lang.  Kering-keri mo yan.  In the meantime, magpasalamat ka at makakatipid ka na uli.  It’s great to be single.  Magpakasaya ka naman!

Related Posts with Thumbnails