Paskong Walang Pera

oomroses

December na at kahit papano ramdam na rin na magpapasko na.  Kaso nga lang sa mga nakakausap ko iisa lang lagi ang reklamo:  Malungkot daw ang pasko nila kasi walang pera.  Susme, as if naman titigil ang ikot ng mundo kung wala kang pera.  Siempre mas okay na may pera ka lalo na tuwing ganitong panahon pero kung talagang wala, keber na.  Life has to go on at kailangang ma-enjoy nyo pa rin ang pasko.  Heto ang mga pwedeng gawin kahit wala kang pera:

  1. Kumpletuhin mo ang nine mornings ng Misa de Gallo. Last year talagang pinagsikapan kong gumising ng maaga para sa 4:30 am mass.  Sa simula talagang ang hirap.  Pero kalaunan kahit puyat ako the previous night, andali nang gumising.  May hiniling ako last year and praise the Lord, binigay naman.  Ansarap ng feeling pag nakukumpleto mo.  Para kang nanalo ng sweepstakes.
  2. Halughugin mo ang cabinets mo at ipunin ang mga gamit na di mo na kailangan. Marami akong mga damit na minsan ko lang nasuot and di na magkasya at may mga niregalo sakin na di ko pa nagagamit.   Kung mamimigay ka, wag naman yung nangigitata na sa kalumaan.   Ihatid mo sa City Social Welfare Office kasi mas kilala na nila kung sinong dapat bigyan.
  3. Read a good novel. In my case, medyo andami nang librong naghihintay ng atensyon ko.  Try putting off the television one weekend and start reading again.  Tatahas pa ang utak mo and siempre lumalawig ang vocabulary mo.
  4. Start your own blog site. I’m speaking from experience.  Iba talaga ang feeling ng may natatapos kang blog post each time.  Eh pasko pa so andaming pwedeng isulat at pagusapan.  Wag mo munang isiping kikita ka sa pagba-blog.  Enjoy ka lang muna.  Malay mo may makilala kang mayaman dahil sa galing ng blog site mo.
  5. Magprisinta kang mag-decorate ng bahay nyo. Set up the Christmas tree.  Stress-relieving ang exercise na ito.  Di naman kailangang magmukhang pang-mall ang decor mo — ang importante, may krismas spirit, ‘ika nga.
  6. Linisin mo ang kwarto mo. Am sure super dami na ng cob webs yan.  Get rid of the clutter.  Itapon na ang dapat itapon lalo na ang pwedeng pagsimulan ng sunog.  Start the new year right by cleaning your own nest.  Tanggalin ang mga nagpapabigat ng buhay mo.
  7. Heto pang isang dapat gawin:  Clean your refrigerator. Chances are may mga kung anik-anik sa loob nyan na may ugat na.  Kung hindi man, am sure merong pagkain o inumin dyan na expired na.  Clean your ref.  Throw away the items na nagpapataba sayo.  Don’t worry, mapapalitan yan ngayong pasko.
  8. Try mong mag-gardening. Kahit padamo-damo ka lang gud.  Or kahit magwalis ka lang ng bakuran.  Do this early in the morning and you’ll appreciate talaga ang simoy ng hangin and the beauty of nature.  O di bah?
  9. Mag-movie marathon ka. Assuming na may cable ka, the best talagang magbabad sa HBO, Cinemax at Cinema One.  Kung wala kang cable, pagtyagaan mo ang free channels ng ABS CBN and GMA.  In fairness, nakaka-enjoy din ang mga shows nila ha.
  10. And finally, magpa-imbita ka sa mga christmas parties ng mga kaibigan mo. Kung di naman, puntahan mo ang mga relatives mong bongga kung maghanda.  Make sure may supot kang dala para may bring-house ka.

Like it or not, kailangang gawan mo ng paraan para ma-enjoy mo ang Christmas season.  Sa sampung nakasulat dito, di mo na kailangang gumastos.  At kung meron man, di naman ganun kalaki.  Paskong walang pera?  Okay lang yan.  Wag kang mahihiyang sabihin yan kasi malay mo may magkusang bigyan ka ng maagang aginaldo.  Isa pa, di naman kailangang may pera ka para ma-appreciate mo ang pasko.  Buhay ka di ba?  Yan ang importante.  Maligayang Pasko po.

Related Posts with Thumbnails