What I Wished For This Christmas

oomxmas

Nung bago pa man nagsimula ang Misa de Gallo, alam ko na kung anong wish ko.  Very specific.  Wala nang paligoy-ligoy pa.  Diretsahan na agad.  First day pa lang ng nine mornings, ito agad ang prayer ko:  “Lord, sana ma-hit ko ang year-end quota ko.”  Ganun.  Para akong humingi ng perang pandagdag deposits kay Lord.  Eh papano naman kasi, for the first time since 2006, ngayong taon lang natigalgal ang negosyo ng mga kliyente ko.  Anyway, so yun na nga ang naging wish ko.  Susmarya, by the second day, umaribang bigla ang deposits sa bank and we not only hit our quota, we even exceeded it pa!  Ang pinanggalingan pa ng deposits eh yung least expected pa namin.  Iba talaga si Lord.  Tuloy para akong nahiya at ganun ka-desperate ang hiling ko.   Kaya ng mga sumunod na araw ng simbang gabi humingi ako ng tawad sa Kanya at saka ko hiniling ang TUNAY kong Christmas wishes.  Good health, protection from danger, grace of humility and a forgiving heart… hindi lang para saken, isinali ko na pati na ang mga mahal ko sa buhay, kaibigan, kaopisina pati na ang mga may galit sa akin, ipinagdasal ko na din.  Patapos na ang 2009… andaming nangyari sa buhay ko — merong masaya at meron ding malungkot pero ang lahat ng yan ay ipinagpapasalamat ko.  Sana, Lord, gabayan nyo pa rin ako sa darating na taon.  Praise the Lord!

Related Posts with Thumbnails