Christmas Fireworks Tragedy

photo courtesy of brian congson

Nasa kasagsagan kami ng noche buena kagabi

Ang saya-saya naming lahat kasi kumpleto kami

Maraming masasarap na pagkaing kami mismo ang nag-prepare

Kuya Avel reminded us na noong nasusunog daw ang kwarto ko in 2003

Inabutan nya si Daddy sa labas na nakaupo

Nakangiti pa si Daddy sabay sabi:  “Nasusunog ang kwarto ni Orman!”

Grabeng tawanan namin kasi nga malaki talaga ang tampo ni Daddy saken noon

Kaya nakarma siguro ako at tanging kwarto ko lang ang nasunog

Funny that last night we found that incident in our life very amusing

What a way to remember our parents whom we missed so much

We were getting ready na for the opening of presents and gifts…

photo courtesy of amylou jessa

Bigla na lang sabi ni Kuya Avel:  “Nasusunog daw sa Oval Plaza!”

He was reading a plurk post of Donna Mae Congson

Sa may nagbebenta daw ng mga fireworks nagsimula

Para kaming binuhusan ng malamig na tubig

Malapit lang kasi doon ang Genee kung san nagwo-work si Claudine

Natahimik kaming lahat.  Claudine started calling her boss.

Kuya Avel and Marz left in a motorbike papuntang Oval Plaza

I instructed my brod-in-law to drive Claudine to Genee

Our eldest niece, Marelle was tasked to take pictures

Naiwan kami nina Mara, Paula, Bea and Am-am na nakatunganga

photo courtesy of amylou jessa

The news that we were getting was not very encouraging

We only had Plurk to rely upon for updates

Donna Mae and Ravi Villanueva were posting pictures of the scene

Lalo lang kaming nanghina at nawalan ng gana to open our presents

Pero nung nakita ko sa mukha ng bunso namin na si Am-am

I decided na hindi dapat maapektuhan ang expectations ng bata

When I handed my gift to Am-am, her face lit up

Dali-dali nyang binuksan ang regalo nya

For a moment, nakalimutan namin ang sunog sa Oval Plaza

Kanya-kanya na kaming bigayan ng regalo

Sa ganitong edad ko, nae-excite pa rin ako kapag nagbubukas ng gifts…

Ito ang tunay na diwa ng Pasko – ang pagbibigayan ng tapat

May trahedya man o wala hindi dapat isasantabi ang diwa ng Pasko

Nang bumalik na sina Kuya Avel itinuloy-tuloy na namin ang saya

I said a silent prayer for the two who perished

Nalaman din namin na hindi inabot ng apoy ang Genee

Mabait talaga ang Diyos sa nagtitiwala sa Kanya

Kung meron mang lessons ang trahedyang ito

Sana naman magiging daan para sa pagbabago

Naging malagim man ang pagsalubong sa Pasko

Hindi pa rin tayo pinabayaan ni Lord at agarang natupok ang apoy.

photo courtesy of brian congson

Related Posts with Thumbnails