Our Christmas Noche Buena Feast

Maaga pa kaming nagdecide kung anong lulutuin for our noche buena

Ayaw naming mataranta at makipagsiksikan sa grocery

Pero ang siste halos yata lahat ng tao sa Gensan maaga ring nagprepare

December 23 pa lang over na sa dami ng namimili sa KCC at Gaisano

Kaya lusob kami sa Robinson’s na hindi ganun kadami ang tao

For this Christmas feast, we cancelled our Lechong Baboy plans

Tutal naman, halos lahat ng party na pinuntahan namin may lechon

Kaya dinamihan na namin ang klase ng ulam na ihahanda

Faithful readers, basahin nyo at matakam kayo

Ito ang handaan sa munti naming palasyo…

Pwede ba namang mawala ang Hamon de Bola?

Purefood’s siempre ang pinili ko at kahit may sariling sauce

My eldest niece, Marrell decided to make her sauce version

Siempre mega-linamnam kaming lahat sa lasa

Akala nyo wala nang pork viand for our medya noche?

Kahit walang lechong baboy, we prepared the meanest Crispy Pata in these parts

Sawsawang gawa sa suka na may bawang

Sinong hindi malalaway nyan!

Kung paborito nyo ang garlic chicken ng Chicken Hauz or Bee Stop

Matutuwa kayo sa experimentong ito ng bayaw kong si Allan

Crispy sa labas at juicy sa loob!

Pati ang secret sauce ng Chicken Hauz, nagaya nya!

Wala ang Tortang Ground Pork sa original menu

I insisted na dapat meron nito if only to remind us of Daddy

Hindi man nahuli ang lasa ng gawa ng tatay namin

This is still certainly the tastiest torta that I’ve tasted this year

When my pamangkin Baby Go gifted me with a Baked Macaroni last week

I told her that my noche buena won’t be complete without it

Kaya kinalampag ko si Baby and made sure that my order will be ready

Mas lalong sasarap ito kapag pinainit mo sa microwave oven

Makakalimutan mo ang apelyido mo after taking a bite!

Kung kilalang-kilala nyo na ako then you’ll expect na pansit ang paborito kong party food

My pamangkin Claudine who manages Genee and Ice Crops cooked this one

Susmaryosep ang sarap talaga!  Pampatanggal umay ng mamantikang kinain mo

Bam-i ang tawag dito sa Cebu and perfect merienda meal talaga ito!

Alam nyo bang kaya kong gawin ito?

This Chicken Macaroni Salad was however done by my sister Maravel

Ang advise ko lang sa kanya na iwasang maging maasim ito

And what she made was just perfect!

Ito pa naman salad na ito eh lalong sumasarap habang tumatagal.

Sa dami ng fruit cocktail sa bahay, it was expected na meron kami nito.

I call this the Ice-box Cake!  Gelatin-base ang ibabaw and Chiffon cake ang base.

Kabado ang sister ko kung magki-click sa amin…

Her kaba was baseless kasi chubrang charap ever so much talaga!

Akala ko talaga buko salad ito!

Aba pwede palang maging main ingredient ang nata de coco!

Ito ang aming version ng Nata de Coco with Sweet Corn Salad

Halos hindi na ako makakain pero pinilit ko talaga

At hindi ako nagsisi kasi lintik sa sarap din!

No sugar added, condensed milk lang ang katapat…

At siempre hindi pwedeng walang Ube Halaya ngayong pasko

Ang pinsan kong si Juliet Bustos ang nagtyagang gumawa nito

Namana nyang talaga ang istilo ni Auntie Celing

Pinong-pino ang ube at walang sabit

Pamatay din ang toppings nito!

Related Posts with Thumbnails