Limang Housemates ang Nominado

Gabi-gabi lalong nagiging exciting ang nagaganap sa loob ng Pinoy Big Brother house.  Mas lalo nating nakikilala ang mga housemates kasi nga lumalabas na ang tunay na ugali nila.  Dumadami na din kaming mga adik sa PBB.  Kanya-kanyang paborito.  Kanya-kanyang pet peeve.  Kailangang nasa bahay na ako by 9:00 pm kada gabi.  Mahirap mapagiwanan ng latest goings-on sa loob ng bahay ni Kuya.

Of course, it helped na magagaling ang mga hosts ng PBB na sina Mariel, Bianca at Toni.  Nakakaloka nga si Mariel nung UPDATE episode na nagusap sina Tom at Princess   Nauna pang umiyak ang hitad!  Super cheesy moment yun lalo na nung naiyak na din si Tom…parang gusto ko syang yakapin bigla.  Bianca naman handles the UPLATE episodes.  Okay din naman sya since dati din syang housemate katulad ni Mariel.  Kaso unlike Mariel wala syang direct communication with the housemates.  Siempre si Toni ang reyna ng triumvirate na ito.  Hasang-hasa na sya and she is so good in handling even the most dramatic moments.  Dedma ang dating pero alam mong she feels for the housemates.

This week, lima ang nominado para tanggalin.  Nominado uli si Jason.  The last time he was nominated, he garnered more than 45% of the total text votes sent.  Itong si Jason kasi sobrang sumpungin.  Pag wala sa mood, di na yan tutulong sa weekly tasks.  Si Melai lang ang nakakapatawa sa kanya.   Halata din namang enjoy sya kay Melai.  Sa tingin ko buong Gensan ang bumoto sa kanya para ma-save sya.  After the episode last night wherein he admonished Delio na ayusin ang gusot nya with Melai, JASON EARNED GENSAN’S RESPECT.  My fearless forecast:  Jason will top the votes.

Patrick is the “oldest” housemate.  I’d rather refer to him as the most matured housemate.  Banker din pala si Patrick like me.  Nung binigyan sila (together with couples Jimson and Cathy) ni Kuya ng secret task to play a married couple (with Cathy), nag-atubili pa sya nung una but eventually gumaling din sya.  Nung nagsacrifice sya para makakuha sila ng 50% ng grocery money, plus pogi points talaga ang Baguio Banker.  Nominado sya this time kasi sya yung mature nga at malimit sigurong pinupuna ang mga pasaway nyang housemates.  My fearless forecast:  Patrick will be safe.

Ang hot stud from Samar na si Tom had the nomination coming.  Okay naman sana ang diskarte nya with his housemates kaso when he defended Princess nung bumisita ito sa kanila, nainis ang mga biatch nyang kasama na pinangungunahan ni Mariel.  His good looks and his being cooperative in all the weekly tasks and house chores will save the day for him.  My fearless forecast:  Tom will be safe.

Mariel, the struggling Mom from Davao is the housemate everyone loves to hate.  Her rants and raves is pissing everyone I know.  To top it all, she was very vocal about her crush on Jason.  Hahahahaha!  Woo to you, Mariel, di ka bobotohin ng mga Melai-fanatics!  Seriously now, Mariel is committing boo-boos left and right.  Her drunk episode with Rob will definitely cause her some votes.  But my fearless forecast:  Mariel will be safe.

Sayang itong si Delio.  He could have been in the Top Three.  Kaso nga, sobrang maprinsipyo to the point na nakaaway nya na pati si Melai.  He has become very sensitive and gives meaning sa mga actuations ng housemates nya.  Eh aminado naman syang tatamad-tamad sya at tulog ng tulog lang during the weekly tasks.  Andami na nyang nakasagutan sa bahay ni Kuya.  And the last time nga was with Melai.  Although sya mismo ang nakipag-ayos eventually (thru Jason’s prodding), the die is already casts.  My Fearless Forecast:  It’s gonna be goodbye time for Delio.

Related Posts with Thumbnails