Kalinamnam at Katakamtakam

Nung nakaraang undas

Napakabigat ng problema ko

Dahil hindi ako magkandaugaga

Kung alin sa tatlo

Ang pipiliin ko

Leche Flan ba

Na pagkasarap-sarap?

Tamis na katamtaman lang

Bawat subo ay kalinamnam

Ube Halaya kaya

Na binudburan ng

Katas ng niyog

Amoy pa lang

Ubeng-ube na

O di kaya Maja Blanca

Na hinaluan ng sweet corn kernels

Kaya’t lasap na lasap ang sarap

Meron pang katapat

Malutong na coconut shreds

Pa ang toppings

Hay kahirap magdesisyon

Teka muna’t makainom

Ng mainit na tsokolate

Na may marshmallows pa

Pano na lang kaya

Ako papayat nito

Kaliwa’t kanan

Umaatikabong kainan

Bahala na si Batman

Kakain na lang ako ng suman

Bow.

Related Posts with Thumbnails