Delio Exits. Toni Boo-booed.

Tama ang prediksyon ko – si Delio Dimaculangan nga ang pinaka-latest evictee mula sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Double Up.  The announcement was anti-climactic as host Toni Gonzaga committed a major boo-boo.   After announcing that Jason was safe – sabi ni Toni:  “Sige na, Delio – magpaalam ka na sa mga housemates mo.” She totally forgot about the remaining nominee from the other house, Patrick!  Buti na lang, mabilis na ki-nut ang reaction ni Delio and Toni recovered quickly by calling a commercial break.  When she got back on air, parang walang nangyari and she proceeded to announce kung sino kina Delio at Patrick ang matatanggal.  As if hindi pa alam ng buong Pilipinas…

Delio, ang simpatikong cook mula sa Batangas got the lowest number of text votes (5.43%) – malamang dahil sa pag-uugali nito last week.  He got into an argument with Melai, of all people.  Iritable na rin sya.  Halatang nagwi-withdrawal syndrome kasi nga smoker si Delio.  During their rehearsals para sa Cultural Show, he had a misunderstanding with some of his housemates.  It wasn’t a good week for Delio and definitely not the best way to gain votes.

As expected, ang Prince Charming ni Kengkay Melai na si Jason Francisco got the highest number of text votes garnering a whopping 51.42%.  Sumunod ang Hunk from Samar na si Tom Mott with 22.78% then ang Baguio Banker na si Patrick Villanueva with 14.23%.   Maswerte ang single mom from Davao na si  Mariel Sorino – she got 6.40% of the text votes against Delio’s 5.43%.  Kahit pa nagpakalasing sya’t lahat nasalba pa rin siya this time.  Kung hanggang kelan sya magtatagal sa bahay ni Kuya is everybody’s guess.  Kung manonominate siya uli mamayang gabi, my fearless prediction would be her getting booted out of the house next weekend.  Abangan ang susunod na kabanata ng painit na painit na mga eksena sa PINOY BIG BROTHER DOUBLE UP!

Related Posts with Thumbnails