Bakit Katamad Maligo Pag Weekend?

kung type mong mag-amoy shrek sumige ka't wag kang maligo

kung type mong mag-amoy shrek sumige ka’t wag kang maligo

Bago ka matawa, tanungin mo muna ang sarili mo

Kung wala ka rin lang appointments during weekend

Naliligo ka ba agad sa umaga?

Well ako hindi.

Gusto ko lang humilata sa kama.

Ayoko ng stress.

Hindi rin ako lumalabas ng kwarto.

Hinahatiran na lang ako ng pagkain

Para talaga akong preso

Babad lang ako sa panonood ng cable tv

O di kaya magsi-surf sa internet

Siempre dahil nagtitipid sa kuryente

Di ko na pinaaandar ang aircon

Mega-electric fan lang ang gamit ko

Eh ang init kaya sa Gensan

Kaya tagaktak talaga ang pawis

Sabay tuloy ang lagkit-lagkit ng katawan

Pero ayoko pa ring maligo no!

Ismyuski lang…

Hindi naman ako makikipag-sosyalan

Eh bakit nyo ako pipiliting maligo?

Kumbaga:  I am on my private time!

Hindi rin ako nagsi-shave

At kung di nga lang makati ang tenga ko

Never kong kakalikutin ng ear-buds yan

Katamad man kasi talaga uy

Minsan nga sinubukan kong di magsipilyo

Aba kinaya ko rin kaya

Kung nandidiri ka saken ngayon

Keber na – di mo naman ako naamoy eh

Thou shall not judge a book if you’re not a judge!

Pero sa tutuo lang

Mind over matter lang yan

Kahit naaamoy ko na ay kakaiba

Kini-carry ko lang talaga

At yang amoy kong yan

Eh aking-akin lang

At di bale nang tamad maligo

Hindi naman pagod!

Yun lang.

Related Posts with Thumbnails