India In My Mind

Sa buong buhay ko, di ko talaga inisip na makakapunta ng India.  Ang pinakamalapit kong experience sa India eh yung makapamili kami noon sa Ram’s Bombay Bazaar sa Gensan.  Ang may-ari ng sikat na department store na ito ay taga-India.  Ang tangkad-tangkad ni Manong Ram pero hindi kami takot sa kanya kasi very friendly sya.  Kaya siguro palaging puno ang tindahan nya.

Ang unang rekoleksyon ko tungkol sa India ay ang Taj Mahal.  Kasi nga isa ito Seven Wonders of the World.  Siempre gusto kong mapuntahan lahat yan kaso nga noon nasabi ko sa sarili ko na”  “All in God’s time…”  Tapos sumikat pa noon ang movie na GANDHI.  Na-beatify pa si Mother Theresa ng Calcutta.  So yung consciousness ko about India eh lalong tumingkad.  And lately nga uber sa sikat ang anything-Indian:  Slumdog Millionaire, Jai Ho and Bollywood!

Kaya nung nabigyan ako ng pagkakataon para pumunta sa India nung August 2008, hindi na ako nagdalawang isip.  It was a chance of a lifetime.  Minsan lang itong mangyayari sa tanang buhay ko so I grabbed the chance, packed my bags and crossed my fingers.  Kasama ko noon ang kaibigan kong si Martin Leyson kaya kampante din ako – kasi if I’m not mistaken, this is Martin’s fourth visit to India.

Grabe ang experience ko sa India.  Magkahalong mangha at culture-shock.  Magugulat ka sa mga historical sites nila.  Bawat puntahan namin ay may sariling kwento.  Andaming tao kahit mainit ang panahon.  Kung ako eh pawis na pawis na — para sa kanila parang wala lang.  May katapat naman ang pagkamangha ko.  Eh di ba nga ayoko ng mabaho?  Hay naku di ko maarok ang amoy in certain areas and certain people.  Kineri ko na lang kasi ayokong maging bastos.

And then there’s Indian food.  In fairness, masarap naman.  You just have to be adventurous.  Ako talaga adventurous lalo na pag nagugutom.  Nung una, sige lang ng sige.  Kain ng kain kahit anong i-serve.  Eh napansin ko na habang tumatagal parang naduduwal na ako sa amoy pa lang.  So naghanap na agad kami makakainan other than Indian food.  Walang Jollibee o McDonald’s pero may Pizza Hut!  Hahahahaha… nagulat na lang ako nung matikman ko ang green mango shake nila — super alat!  Yun pala, may choice ka na either sugar or salt ang ihahalo.  Uber ha!

At tutuo nga palang talaga na sacred para sa kanila ang mga baka.  You’ll see cows roaming the streets and dedma lang ang mga tao.  Hindi man lang binubugaw.  Sila pa ang tumatabi.  I’m not one to disturb the still waters so mega-dedma to the max na din ako kahit feeling ko susuwagin na ako minsan nung baka.  Nasa train station kami noon and suot ko ang bright yellow and blue jacket ko.  Akala siguro nung baka, damo ako – aba ngunguyain sana ang jacket ko!  Buti na lang nakalayo ako agad.

Napansin ko din na super dami ng mga temples nila.  In one street magkakatabi talaga ang mga templo at andaming mga bumibisita, as in.  Apparently that was the time of year na nagdadagsaan ang mga tao from the provinces to pay homage to their gods and goddesses.  Dun ako talagang napabilib sa kanilang debosyon.  May mga naglalakad lang galing pa sa malalayong lugar para makarating sa templo at magbigay pugay.

Maganda ang naging experience ko sa India.  May mga similarities tayo in a way sa kanila.  Nakita ko rin na masisipag sila at walang kiming gumawa ng kahit ano basta lang marangal.  Nakakainggit ang train system nila.  Ito talaga ang naglilink sa buong India.  Ang ganda ang tanawin pero siempre may mga nakakarimarimarim din.  Sa byaheng ito hindi ko napuntahan ang Mumbai (dating Bombay).  Until the next trip then.

Related Posts with Thumbnails