The Jason/Melai “Love” Affair

Ang dating malungkot na gabi

Ngayo’y puno ng saya at tuwa

Salamat sa Pinoy Big Brother

Gabi ko’y laging masigla

Sino kaya ang di matutuwa

Sa masalimuot na pamumuhay

Sa pinakasikat na bahay

Sa buong Pilipinas

Pero teka teka lang

Merong bagong pakilig sa bayan

Pansinin nyo naman

Kung papano maglambingan

Ang di inaasahang

Samahang Jason at Melai

Susmaryosep kung magpormahan

Akala mo’y mag-syotang

Galit-Bati ang iringan

Seryosong Jason

Sa Luka-lukang si Melai

O di ba naman isang tambalan

Langit lang ang may kagagawan

Sobrang kwela ang samahan

Tuwang-tuwa ang sambayanan

Sana nga’y tumagal pa sa bahay

Ang dalawang mag-syotang hilaw

Nang gabi natin ay kumpleto

Bago man lang humimlay

Hay naku talaga

Kilig ever to the max

Salamat po, Kuya

Sa panandaliang saya

Mag-aabang na lang po

Sa susunod pang kabanata.

Related Posts with Thumbnails