A Love Story Comes Full Circle

photo by ronald rivera

Dalawa sa mga kaibigang malapit sa puso ko recently tied the knot.

Expected ko naman na sa simbahan din ang bagsak nila.

Pero nung ora-orada nila akong ni-request maging ninong…

Natulala talaga ako.  Siempre hindi ako nagpahalata.

Ganun pala ang pakiramdam kapag kabarkada mo ang pagnininungan mo

Parang weird na parang eng-eng na parang hello?!

Anyway, to make the long story short, pumayag ako.

photo by ronald rivera

Paano nga ba nagsimula ang love affair ng dalawa?

Sa wedding cake pa lang nila, malalaman mo na agad.

Photography enthusiast kasi si Arnold.

Sa madaling salita, naging daan ang camera para maging malapit sila sa isa’t isa.

Sa tuwing may photo-shoot si Arnold, andun din si Pauline.

Naging standard feature na magkasama silang dalawa palagi.

Hanggang nalaman ko na lang na sila na.

photo by ronald rivera

Si Pauline yung tipong tahimik lang sa tabi.

Kung di mo sya kilala, iisipin mong suplada siya.

Nung pinakilala sya sa akin ni Arnold, umandar ang selos ko.

Feeling ko may kaagaw na ako sa oras ng kabarkada ko.

Buti na lang nagustuhan ko ang ngiti ni Pauline…

Kasi pati mga mata niya ngumingiti din.

Nakatulong siempre na mabait at masayang kausap si Pauline.

photo by ronald rivera

Si Arnold naman yung tipong malambing kapag nasa mood.

Eh palagi syang wala sa mood kaya imaginin nyo na lang ang siste.

Pero lab na lab ko itong engot na ito kasi ni minsan hindi umayaw sa requests ko.

Kahit pa busy yan, uunahin ang pinagagawa ko.

Kung suplado sya sa ibang tao, saken tiklop yan.

Sobrang loyal pa sa mga kaibigan si Arnold.

Kaya ganun na lang ang pagiging protective ko sa kanya.

photo by ronald rivera

Masalimuot ang buhay-pagibig ng dalawang ito.

Galit-bati din ang drama nila.

Mabuti na lang binalanse ni Pauline ang ugali ni Arnold.

Kumbaga ang sungit ni lalaki pinagaan ng kalmante ni babae.

Kung merong Match Made in Heaven, sila na yun.

Pero andami pa ring intriga kaliwa’t kanan.

Dito ako bumilib sa kanila kasi they never gave up on each other.

photo by ronald rivera

Kaya nga isa ako sa pinakamaligayang tao nung kasal nila.

Two days before their wedding kasabay ako sa ngarag.

Pero kung ngarag man ang magsing-irog, well, hindi sila halata!

Kami pa tuloy ang hilong-talilong sa preparasyon…

At nung rumampa na si Pauline in her elegant wedding gown

Alam kong tuloy-tuloy na talaga ang kasal.

You may now kiss the bride!

Finally, a love story comes full circle.

Ang dasal ko lang na sana maging matatag ang samahan nila.

Simple lang naman ang Rules for a Successful Marriage…

Rule #1:  The wife is always right.

Rule #2:  If the wife is wrong, refer to Rule #1.

O di ba?  Huwag na kasing kumontra sa reyna ng tahanan.

Best wishes, Arnold & Pauline!

Related Posts with Thumbnails