Pacquiao Reigns Supreme

We’re proud of you, Manny Pacquiao!

Napakagandang laban kanina.

Dalawang magigiting na boxers ang nagsalpukan

Sa punum-punong MGM Grand nagkalinawan

Kung sino talaga ang pinakamagaling

Kung sino talaga ang pinaka-matindi sa bakbakan

Hindi rin basta-basta si Miguel Cotto

Mas malaki sya’t mas matangkad

Matipuno din ang pangangatawan

Kinabahan ako para kay Manny

Sa unang round pa lang ay halatang nagtatantyahan pareho

Tabla sa unang round.

Pero nung napatumba si Cotto sa Round 3.

Hindi na nakabawi ang Puerto Rican.

Bugbog sarado ang mukha nya’t dumurugo na

Sa Round 4 muli syang napatumba

Pero talagang matatag si Cotto

Panay ang habol ni Pacquiao

Nung aakalain mong tutumba na

Nasi-save by the bell naman

Lahat ng taong nanonood ay iisa ang hinihintay

Ang wallop ni Pacquiao na panumba kay Cotto

Kailangang plakda talaga para bongga

Pero alam ng referee na kung itinuloy pa

Wasak at warak ang magandang kara ni Cotto

55 seconds into the 12th Round

Itinigil ang laban

May bago nang kampeon

At siya ay PILIPINO!

Mabuhay ka, Manny Pacquiao!

PINASAYA MO ANG BUONG PILIPINAS.

Related Posts with Thumbnails