Emo in November

emo

Patapos na ang November

Parang ambilis ng panahon

Andaming nangyari sa buhay ko

Merong masaya, may malungkot

May swerteng dumating

Inabot din minsan ng malas

May pagkakaibigang nabuo

Meron ding tumamlay

Ngayong taon, dalawang kamag-anak ko ang pumanaw

Sangkaterba din ang mga batang pinagninungan ko

May mga kaibigang nag-asawa na

Samantalang heto ako single pa rin

May syota nga ako

Nasa Las Pinas naman

Lagi ko ding naaalala ang nanay ko

Huwag lang nya akong multuhin

Tumaas nga ang sweldo ko

Hindi pa rin ako nakakaipon

Ang sosyal ng bagong Ford Everest ko

Eh hindi naman ako marunong magmaneho

Andami kong dapat bayaran

Mas madami din akong gustong bilhin

Happy naman ako sa mga katrabaho ko

Pero may iilang pasaway pa rin

Gusto kong bumyahe sa America

Pero hanggang Zamboanga lang inabot ko

Ansarap kumain ng todo

Tumaas naman ang blood sugar ko

Hay… wala lang

Emo lang gud ako

Ansaya pala pag naipapalabas mo yung nararamdaman mo

Nakaka-relieve ng stress

Ayoko pa namang ma-stress

Nakakatanda!

Kung emo ako ngayon

Mas tingnan nyo ang mga bata ngayon

High school pa lang andami nang angst sa buhay

Mega-emo to the highest level talaga

Sarap okrayin

Pero ganun na nga talaga siguro ang mundo

Habang tumatagal mas nagiinarte ang tao

Basta ako, once a month lang ang pag-eemo ko

Ito ang simula

Now na.

Related Posts with Thumbnails