Wish Ko Lang

I’ve been watching GMA 7’s Saturday afternoon program, Wish Ko Lang and I must admit that I’ve been touched by most of their segments.  I hope GMA 7 would continue to focus on the ordinary citizens and avoid wishes made by popular personalities.  Most of the wishes are heart wrenching and I always end up teary-eyed.  This might sound too trivial but in the simplicity of things, we tend to neglect the true meaning of happiness.   I do have my own wish list for my beloved city and I would like to share this with you, my faithful readers.  Wish ko lang…

  1. Na maging maayos na traffic sa harap ng mga Malls. Nagtataka talaga ako kumbakit wala ni isang traffic enforcer na nakikita sa mga lugar na ito.  Tapos maririnig mo na lang na  andun pala sila sa mga inner streets at naghahabol ng trisikad drivers.  Hay naku talaga!
  2. …Na pansinin naman ang mga nagkakalat na basura papuntang Fish Port Complex. Ten million years ko na itong pinagpuputok ng butsi at hanggang ngayon andumi-dumi pa rin ng highway dahil sa nagkakalat na basura.  Okay, malinis na sa downtown area pero please lang nanggigitata naman sa Tambler at Bawing.
  3. …Na magkaroon ng trash cans o trash receptacles sa buong parte ng bagong bukas na Plaza Heneral Santos. Nakita naman natin na nadidisiplina naman ang mga promenaders kaya dapat lang na magkaroon ng maayos na pagtatapunan ng basura.
  4. …Na ayusin naman ang comfort rooms sa city hall at nakakasuka ang amoy at itsura nito.  Nakakahiya pang isipin na mismong CR ng syudad ay nanggigitata.  Pag yan eh nakita ng investors, good-bye bunot talaga!  Atsaka teka lang, ba’t walang restroom sa Plaza Heneral Santos?
  5. …Na umayos naman ang Water District at hindi nauubusan ng tubig lalo na tuwing umaga. Alam naman nilang magbubukas na ang Robinson’s Place eh hindi pa rin nagdagdag ng pumping stations.  Dagdagan pa ng tubig requirement ng bagong plaza kaya lalong nagka-leche-leche.
  6. …Na magkaroon na uli ng daily local english newspaper sa Gensan. Kelangan lang naman dyan eh masigasig na marketing team para kumita.  Isa pa, dapat magaling ang editor-in-chief at maraming konek!
  7. …Na makarecover na uli ang Tuna Industry natin. Dumadami na kasi ang unemployed kaya tumataas na din ang petty crimes sa syudad.
  8. …Na lalong maging mapagmatyag ang kapulisan. Tumataas ang crime rate sa syudad.  Nagsisimula sa petty crimes – snatching, ninanakaw ang nilabhang nakasampay.  Ngayon iba na – Akyat-bahay na uli ang sistema.
  9. …Na sana matapos na ang City Council Building. I wonder why nadi-delay ito.  Imposing pa naman ang building nila.  I know it’s going to be a landmark.  Tapusin na kasi eh.
  10. And lastly…. wish  ko lang na matatapos ang taong 2009 na mapayapa at walang Pilipinong gutom sa pagtatapos ng taon. At higit sa lahat… wish ko lang… PEACE AND GOODWILL TO ALL MANKIND.
Related Posts with Thumbnails