Thank You Ever So Much

Happiness Ever So Much si Kuya Avel!

What a way to end the day!

Naglagare ako ng dalawang events kagabi.

Thanksgiving and Victory party ni Kuya Avel sa Genee

MOU Signing ng NDDU Alumni Project sa Tierra Montana

Inuna ko muna ang party ni Kuya Avel

Alas sais pa lang andun na si Mikko

Sumunod sina Liezl, Marz, Gilbert at Gay

Kanya-kanya na kaming order

Eat-all-you can, sabi ko sa kanila

Bahala na ang konsensya nyo

Hahahahaha!

Nagti-text na ang kabilang event

Magsisimula na daw ang kainan

Eh kumakain na nga ako

Nakahabol pala si Jinky, Donna at Emman

Umorder na ako ng ChiBang (Chicken and Bangus) Meal

Namiss ko na ang Genee

Kaya mega-bilis kong naubos ang order ko

Si Peter na driver ko naman

Tatlong kagat lang, ubos agad ang Tuna Burger nya!

Aba ang ku-kyut pala nina Rabsky at Chariz

Kako umorder na’t baka maubusan pa sila

Hayyzzz nainis ako sa mga waistline ng dalawa

Hindi na yata kumakain ang mga ito

Umalis muna ako para atenan ang kabila

At habang wala ako,

Heto ang mga nagsidatingan

Leonard and Romarie

Pilar,

Sheng and Ric

DJ Joey C and his GF

DJ Joey C and his GF

Pilar

Pilar Afuang and Lita Garcera

Mayor Jun Acharon

Mayor Jun Acharon

Aba pati ang pogi naming mayor humabol din

Nataranta lahat kaya tuloy pati ang kodaker

Hindi masyadong na-focus ang camera

Salamat, Mayor Jun for gracing Kuya Avel’s party

Di ko na nga sya inabutan

Nakahabol din pala sina Marthin at Cearra

Kaso di naman nakunan ng kodaker

Mabuti pa si Cidz nakasali pa sa group picture

Pagbalik ko nakauwi na ang ibang bloggers

Mukhang happiness ever naman si Kuya Avel

Napunta ang usapan ng grupo

Sa mga bloggers na yumaman dahil sa AdSense

Hayyyzzz nakakainggit talaga

Kwentuhan. Tawanan. Chikahan.

Biglang entrada ni Gilbert

Dapat daw pati ako may trophy

Shock to max kaming lahat

Isang malaking Brown Palaka

Ang iniregalo sa akin

Yahoo! May mascot na ako!

Uber sa bigat kasi naman semento

Nakakatuwa kasi kakulay ng kokak

Na nasa blogsite ko

Salamat, Gilbert sa regalo mo

Salamat din sa mga dumalo

Ipagpatuloy lang po ang suporta

Sa Bariles Republic na nangunguna

Isabit nyo na ang blog site na ‘to

At gaganda din kayo…

Ever so much!

Related Posts with Thumbnails