My Rainbow Connection

Paboritong-paborito kong panoorin ang Muppet Show sa tv noon.
Tuwang-tuwa ako kay Kermit the Frog
Siempre hindi kumpleto kung walang ka-love team si Kermit…
Lalo akong natutuwa kay Miss Piggy

courtesy of wikipedia

courtesy of wikipedia

RPN 9 pa noon ang tanging channel sa telebisyon
Black and white pa nga ang tv namin
Lagi pang brown-out gabi-gabi
Buti na lang late night ang The Muppet Show
Kaya wala akong absent sa panonood
Sobrang adik talaga ako nun
Andaming iba’t ibang kwelang characters
Fozzie Bear, Gonzo, The Chef, Animal, Rizzo Rat
Ang bobongga pa ng mga naging guests nila
Pero ang talagang paborito ko ay ang dalawang bida

Gustong-gusto ko si Kermit the Frog
Kahit hindi sya officially hinirang na lider ng mga muppets
Natural na sya ang mamuno
Born leader kasi si Kermit
Kayang-kaya nyang sabayan ang mga kasama nya
And take note, hindi naman perfect si Kermit
May mga ngarag moments din sya
Kumbaga palaka lang po si Kermit
Nagkakamali din at may kapalpakan din

Buti na lang nandyan si Miss Piggy
Si Miss Piggy kasi palaban at hindi nagpapatalo
Maarte, Mataray at Maganda
Walang inuurungan ang hitad
Pati nga si Kermit binubugbog nya if he gets in her way
Keber na kahit hindi maganda ang boses nya
Kakanta at kakanta pa rin si Miss Piggy
And her outfits – uber talaga sa bongga
Super over-confident ang Divine Pork

Come to think of it
Parang ako si Kermit at Miss Piggy in one
Kaya siguro gusto ko silang pareho
Lider din ako pero may prima donna moments din ako
Mabait akong kaibigan pero Mataray din ako minsan
Hindi din ako successful sa lahat ng bagay
Kumbaga magkakambal ang bongga at palpak sa buhay ko
At least sigurado akong self-confident ako
Ito ang balanse ng buhay ko
Ito ang aking rainbow connection.

Related Posts with Thumbnails