I’m Attending the 3rd Mindanao Bloggers’ Summit

Mindanao Bag-uhon ang Panan-aw.

Yan ang tema ng MBS 3 sa CDO.

Ngayong full-time blogger na ako

Hindi ko na palulusutin ang MBS 3!

Excited na akong makihalubilo

Sa kapwa blogger na taga-Mindanao

Siguradong marami akong matututunan

Lalo na sa teknikal na aspeto ng pagba-blog

Punumpuno ang Schedule of Activities

Magsisimula ng alas-siyete ng umaga ang registration

Alas-singko ng hapon hopefully matatapos

Bigatin ang Guest of HOnor

Mismong ang Deputy Chief of Mission ng U.S. Embassy

Na si Leslie A. Bassett daw ang aatend

Akala ko pa naman si Adel Tamano na – shucks!

Anyway, sosyalan ever pa rin ang guest nila!

Siempre marami pang kung anik-anik na paguusapan

Sigurado akong pabonggahan ng laptop dito!

Dahil ayokong pumila during registration

Nagpa-register na ako online

Ambilis nga eh – kakatuwa!

Bayad na lang ang kulang.

Magpapa-book na din ako sa Mallberry Suites

Pinili ko ang City Tour kesa sa Water Water Rafting

Pasyalan to the max sa Day 2

Xavier University Museum, St. Augustine Cathedral,

Divine Mercy Shrine, Opol Aviary , Limketkai Mall

Feeling turista ako neto ah!

Oks din naman ang White Water Rafting

Kaso nagawa ko na yan eh

Sobrang thrilling ang naging experience ko!

Siempre mas importante ang bonding moments

Na mangyayari with the other Mindanao Bloggers

Kaya’t huwag na kayong mag-atubili pa.

Sali na!  Huwag nang mag-inarte!

Basta ako, KASALI NA!

Related Posts with Thumbnails