Titirisin kaya ni Pacman ang Kuto?

Ngayon pa lang, grabe na ang excitement ng buong mundo sa labanang Pacquiao vs. Cotto.  Subsob na sa ensayo ang bawat kampo at walang itulak-kabigin sa ipinapakitang galing ang dalawang boksingero.  Heavy favorite, as usual, si Pacquiao pero hindi nagpapabaya si Coach Freddie Roach sa pagti-train kay Pacman.  Kahit pa underdog kung ikokonsidera si Cotto, may nagsasabing sya na yata ang katapat ng Pinoy Pride sa boxing ring.

Halos pantay lang ang dalawang magigiting na boksingero.  Kaya’t maraming excited manood sa kanilang laban ngayong Nobyembre 14, 2009.  ‘Ika nga, all roads lead to the MGM Grand, Las Vegas.  Maaagaw kaya ng pound-for-pound king ang welter-weight title ni Cotto?  O si Cotto na ba ang titiris sa galing ni Pacquiao.  Parehong magaling.  Parehong palaban.  Kakasa ka ba?  Abangan ang susunod na kabanata!

Related Posts with Thumbnails