Huwag Nang Buhayin Ang Bangkay

courtesy of The Walking Dead

courtesy of The Walking Dead

Ano ba talaga, kuya?

Matagal nang nahimlay ang idol mo

Pilit mo pa ring binubuhay…

Tatlong beses nang naunsyami, di ba?

Di pa ba sapat yun?

Eh ayaw na nga sa kanya ng taumbayan

O sya sya… sabi mo nga

Sya ang nagsimula ng progreso ng bayan

Expected naman yun sa kanya

Hinalal sya para magsilbi

Mamuno at maglingkod

Maging ehemplo sa lidirato

At higit sa lahat

Kalimutan ang sarili

Sa ngalan ng serbisyo-publiko

Sa mga nagawang nyang mabuti

Maraming salamat po

Wala namang bumabawi nun eh

Pero utang na loob, kuya

Huwag mo namang ipangalandakang

Ambobobo ng taumbayan

Eh hindi nga manalo-nalo uli

Ibig sabihin ayaw na sa kanya ng botante

Lumipas na ang panahon nya

Tapos na ang pagkakataon nya

Simple namang intindihin yun

Kaya please lang

HUWAG NANG BUHAYIN ANG BANGKAY!

Related Posts with Thumbnails