Oliver’s Story

hmmm. how will i start this anniversary “blog”
well, ormz forced me to do this.. haha.
it all started on friendster..
last 2007, i saw his profile on friendster.. DAMN, cute chub! ^_^
but i saw his pics with somebody else.. so i messaged him..
“hello, ilang years na kayo ni ******..”
but he didn’t reply.. i didnt pursue..
2008, he viewed my profile.. grabe, kinilig ako…
so i messaged him the same thing..
FINALLY! he replied…
tuluy-tuloy na xia.. we exchanged number.. he calls… we text..
grabe.. masculine pa ang boses.. kaya kinilig tlga ako! haha..
he texted me, he’ll be in manila on the 24th of july 2008..
this is my chance of meeting him…
MEGAMALL, KRISPY KREME, 4:00pm…
ayan, after ng class, derecho agad sa MRT… dali daling naglakad papasok ng megamall..
pag pasok ko, nakita ko agad xia, GRABE, TABA!! hahaha
nakayellow na poloshirt xia nun… nakaglasses… pormal na pormal..
nahiya naman ako.. kc haggard ako that time..
so sabi ko CR muna ako..
tpos pagbalik ko, umupo ako… nakatitig xia saken.. e ako naman, nde palaimik pag 1st meetings.
so nakatungo lang ako..
sumakay na kame ng taxi papnta ng hotel nia.. kasama pa ang asst. niya kaya nahiya ako lalo…
nung nasa hotel room na kame… iniinterview nia ako.. grabe…
nag comedy bar pa kame that night…
after nung comedy bar, bumalik na kame ng hotel..
tinawagan pa nia ung BF nia that time.. WHEW!!!!
grabe.. eto na… *CENSORED*
nagtampo ako sa knya… kaya tumalikod ako.. nung umaga na, dali dali akong naligo at nagbihis..
iiwanan ko na tlga dapat xia..
aba, gumulong ang taba sa tapat ng elevator at hinarangan ako!
kairita, sa sobrang taba, d ako makapasok… so balik ako…
well, kelangan ko na tlgang umalis..
so go…….
after namen magkita, d na nia ako tinitxt… d na xia tumatawag…
do ko alam kung anung nangyare…
e, txt ako ng txt.. cguro nakulitan…
aun, pinansin na ulet ako..

oks4

hmmm. how will i start this anniversary “blog”

well, ormz forced me to do this.. haha. Continue reading

Mga Dahilan Kumbakit Single Ka Pa Rin

courtesy of www.vandammedojo.com

Mga Dahilan Kung Bakit Single Ka Pa Rin. Ilang ulit na bang

nangyari sa iyo ito? Ngayon ang kasal ng pinsan mo. Heto ka ang
ganda-ganda mo. Naghanda ka talaga dahil minsan-minsan lang ang
okasyon sa pamilya nyo. Kadalasan sa mga lamay na lang kayo nagkikita-
kita so ngayong kasal ng pinsan mo, gusto mo naming maging maganda at
mapansin nila. Aba, napansin ka nga. Ganito ang tanong ng lahat ng
kaanak mo sa iyo…”O ikaw kelan ka ikakasal?” “Uy, ikaw na ang
susunod ano?” Parang gusto mo na sa susunod na lamay sila naman ang
sabihan mo ng “Ikaw, kelan ka susunod?”
Huwag kang malungkot. Ito gusto nga kitang sumaya kaya sinulat ko
ito. Hindi ka dapat malungkot dahil maraming posibleng dahilan bakit
hindi ka pa kinakasal hanggang ngayon. Hayaan mo silang mainip sa
paghihintay. Basta kung okay ka, okay ka. Hayaan mo tutulungan
kitang mag-isip kung bakit wala ka pa ring asawa hanggang ngayon.
Naisip ko na ‘yan eh. Heto ang sampung dahilan:
1. Kailangan mong mag-concentrate sa career. Hindi na uso ang mga
babaeng pambahay ngayon. Kalimitan meron ng tinatawag na career.
Habang hindi ka pa tinatamaan ng palaso ni kupido, hamo na munang mag-
concentrate ka sa trabaho mo. Kailangan mong ma-achieve ang full
potential mo bago ka mag-asawa, kasi ‘pag nag-asawa ka na, tanggapin
na natin, iba na ang mga prioridad mo sa buhay. Lagi ng mauuna ang
pamilya. Habang feel mo pang lumaban ng lumaban sa rat race at
umakyat ng umakyat sa corporate ladder, huwag mong panghinayangan na
wala ka pang sariling pamilya.
2. Masyadong mataas ang standards mo. Ibaba mo kasi ng konti, baka
naman kahit si Rizal hindi ma-achieve yung standards mo. Tandaan mo,
si Rizal kahit na bayani medyo babaero din. Walang taong perpekto.
Kahit naman ikaw di ba? Meron ka ding kapintasan? Baba mo ng konti,
yung makatarungang pamantayan lang. Baka naman naghahanap ka ng
Richard Gomez eh Pokwang na Pokwang naman ang dating mo. Lumagay ka
lang sa dapat mong kalagyan. Baka naman naghahanap ka ng kasing
yaman ni Zobel eh ikaw naman eh pobre din lang naman. Huwag. Huwag
ganoon. Para kang g**o non. Baka naman naghahanap ka ng smart, na
gwapong, mayaman. Ate, kung ganon ang hanap mo, malamang tatandang
dalaga ka na talaga. Di lahat binibigay ni Lord. Di bale kung salat
sa face value, babawi na lang siguro yung sa bait at sa talino. Kung
puro face value naman, at salat sa kaalaman or masama ang ugali,
manalig ka na lang na baka pag pinakain mo ng gulay tumalino or ito
the best, lahat naman ng tao nagbabago. Pwede pa ‘yan bumait.
3. Hindi ka lumalabas ng bahay. O baka lumalabas ka nga ng bahay, sa
opisina lang naman ang punta mo. Huwag ganon. Sumama ka sa mga
kaibigan mo, mag-mall ka, magsimba ka, mag-outreach program ka. Huwag
mong panisin ang sarili mo sa bahay dahil wala talagang makakapansin
sa iyo sa bahay. Mag-aral ka ng painting, voice lessons at Yoga.
Imaginin mo kung magka-boyfriend ka na Yoga master? or di kaya, chef.
O di ba cool ‘yun? Magliwaliw ka sa bookstores, sa coffee shops, at
kung saan-saan pang mataong lugar. Baka sakali mapansin ka doon.
4. Baka naman sobrang tapang mo. Oo nga naman, baka naman sobrang
masungit ka at natatakot sa iyo ang mga potential suitors mo. Baka
dapat kang maging approachable ng konti. Baka masyadong maangas ang
dating mo imbis na matuwa sa iyo matakot. Baka sobrang independent
mo, at parang mabubuhay ka ng wala silang lahat. Minsan may epekto
rin ‘yan. Baka sobrang talino ng dating mo pakiramdam nila mababara
lang sila or baka ‘pag pinadalhan ka ng love letter eh i-edit mo ng
red ink pen. Magkunwari ka kayang tanga minsan-minsan, tingin mo?
5. Baka naman kasi losyang ka. Oo nga naman, mag-ayos ka paminsan-
minsan kay lang kung pangit ka, pangit ka talaga. No amount of make
up can change that. Pero at least pwede ma-enhance ng konti.
6. Baka naman hinahanapan pa ni Lord ng ribbon ang para sa iyo.
Natatandaan ko ang sabi ng kaibigan ko. Blessing daw from the Lord
ang mga girlfriends/boyfriends. O eh baka naman hinahanapan pa ni
Lord ng magandang ribbon yung regalo mo. Kasi baka daw ‘pag hindi
maganda ang packaging i-reject mo.
7. Baka naman nagtitipid sa toll fee yung para sa iyo. Malay mo kasi
taga-Norte yung para sa iyo eh mahal naman ang toll fee. Baka
nagtitipid dumaan sa walang toll kaya medyo natatagalan.
8. Baka naglakad yung para sa iyo. Parating na ‘yon kaya lang mahal
ang gasolina so naglakad na lang papunta sa iyo. Besides, walking is
good for the heart daw. Baka sa kakalakad naligaw na. Ito pa namang
mga lalaking ito, hindi nagtatanong kung hindi pakiramdam nila
naliligaw na sila.
9. Baka naman sadyang torpe lang yung para sa iyo. Baka naman nag-
iipon pa ng lakas ng loob o di kaya nag-iisip pa ng magandang
tiyempo. Baka talagang hindi lang siya makapag-salita dahil sobrang
mahiyain niya. Baka naman dapat makiramdam ka rin ng konti kasi
talagang deadma ang dating nito. Baka dapat tinatanong ng unti-unti.
10. Baka naman talagang for single blessedness ka. Ipagdasal mo.
Baka naman kasi pinapagod mo ang sarili mong kakaisip bakit you’re
still single eh hindi naman kasi marriage ang plan ni Lord for you.
Paminsan-minsan magtanong ka kasi sa Kanya baka naman ikaw ang
naliligaw. Baka naman ikaw ang nagtitipid. Baka naman kasi ikaw ang
torpe. Baka naman kasi ikaw ang problema.
Gasgas man, pero sasabihin ko pa rin. Darating Din Yun. Kung para sa
iyo, para sa iyo. Kahit iwasan mo, para talaga sa iyo.

courtesy of vandammedojo.com

Pinakaayaw ko talaga ang umaatend ng handaan ng kamaganak.  Eh kasi naman pag nagmaamano ka sa mga matatanda ang unang tanong sa yo:  “O, ke gwapo-gwapo mo, ah!  Kelan ka ba mag-aasawa?”  Nung una, sinasagot ko pa ng pinakamatamis kong smile at medyo magba-blush pa ako.  Ngayon parang gusto ko nang sagutin ng:  “Kayo ho, ang tanda-tanda nyo na.  Kelan ho ba ang lamay?”  Siempre hindi ko masabi yan no!  Dedma ever na lang.   Continue reading