I Wanna Hug My Mom (And I Hope She Hugs Back)

Maria Ortega-Manansala, 1926-2007

Maria Ortega-Manansala, 1926-2007

Lately, parati pumapasok sa isip ko si Mommy.  She passed on in 2007.  And each time na naiisip ko sya, there’s this sense of longing.  Yun bang parang gusto mo syang kausapin at magsumbong ng kung ano-ano.  I usually end up choking on my own laway trying to fight back the tears.  Hay, I miss Mommy talaga.  Naiinis ako sa sarili ko dahil andami kong panahong sinayang while she was still with us.  Andaming beses that she wanted to sit down and just talk.  And there I was, bisi-bisihan.  Sabi nga nila nasa huli daw ang pagsisisi.  I missed my Mom so much.  Naiiyak ako while I’m writing this.  Gusto ko lang kasing magkwento sa kanya ngayon.  Magsumbong.  Gusto kong nakikinig sya sa mga yabang ko.  Tatawa lang yan si Mommy.  Maluluha sa sobrang tawa.  I never really embraced my Mom tightly.  Ewan nga.  Hindi naman kasi kami sinanay ng touchy-touchy, yakap-yakap, beso-beso ng mga magulang namin.  Natutunan ko na lang maging touchy-feely on my own.  Pero ngayon isa lang talaga ang hiling ko – ang mayakap ng mahigpit ang nanay ko and I want her to hug me back.  Alam ko namang mahal ako ng nanay ko and that she’s proud of me.  Sinasabi naman nya yun sakin.  Pero hindi talaga nag-initiate ng yakap ang nanay ko.   Kaya hindi ko rin sya niyayakap.  I mean, hindi ako nag-iinitiate.  Ngayon pag naaalala ko sya para akong tralala sa lungkot.  Kung pwede nga lang ibalik ang panahon gagawin ko.  Kaninang alas tres ng umaga, I got a text message from my Auntie Denia.  Namatay na daw si Uncle Jessie.  Ginising ko sina Kuya Avel and Mara.  Kaya siguro nagpaparamdam si Mommy.  Pati pala ke Mara nagparamdam din.  Ke Kuya Avel din.  Iba talaga ang nanay.  Mommy, mahal na mahal kita.  Sana ma-hug kita ng mahigpit.  Kahit saglit lang basta hug me back, ha?

Related Posts with Thumbnails