What A Saturday!

Andami kong nagawa kahapon

Prinisenta ko kay Mayor Jun

Ang pinagawa nyang konsepto

Para sa Kalilangan Festival 2010

Pagkatapos ng miting namin

Tumuloy na ako sa Gregoria Printers

Tinapos namin ng layout artist

Ang Bankers’ Magazine

Ako kasi ang Editor-in-Chief

Alas onse treynta na nang sunduin ko si Kuya Avel

Kalunch namin si Jojo and Martin Millado

Sarap ng pagkain sa  Giacomino’s

Isa ito sa Al Fresco resto ng Robinson’s Place

Balitaan to the max

Tsikahan ng todo-bongga

Pinatikim sa amin ng may-ari

Ang choco-moist cake nila

Mas masarap pa kesa sa Red Ribbon

Presyong mas mura din according to Aymie Bartolome

Humabol sa lunch ang dalawa pa naming kaibigan

Parehong taga-Bioseed sina Martin Leyson at Joy Primavera

Pagkatapos ng lunch, pumasok na kami sa mall

Bumili ako ng electric shaver

Ginamit ko ang Gift Certificates na bigay sakin

Andami pa ring tao sa Robinson’s Place

Malamang galing karatig-bayan

Sa Ice Crops Express na kami nag-dessert

Sarap ng Strawberry Milkshake nila

Bandang alas kwatro na kami naghiwa-hiwalay

Nanood na muna kami nina Kuya Avel at Marz

SURROGATES ang pinili ko

Akala ko tutulugan ko lang ang movie

Mas nauna mang humagok si Kuya Avel

Okay naman ang movie

Ang dami nga loopholes ng kwento

Pero malinis pagkakagawa

So enjoy na din.

Mag-aala sais na nang umuwi kami

Ambaba ng visitor count ng blog ko ah

Di ko pala nalink sa FaceBook and Plurk

Hay naku, imbyerna ever to the max

‘La ako sa mood mag-blog

Nakipag-chat pa ang pinsan ko

Pinadalhan daw siya ng laptop ng London admirer nya

Di pa daw nya nakaka-chat

Hanggang email pa lang daw sila

Pero nagpo-propose na

I smelled something fishy

Finorward nya ang email messages ng bf nya

Pati ang email galing sa courier

Kasi na-hold daw ang package para sa kanya

Nag-insert ng 8,500 pounds ang cyber-bf nya

Nag-search ako sa google

Digital World Express Inc.

Yan ang name ng courier service

FAKE!  Isa itong email scam.

Kako hihingan sya nyan ng pambayad ng  taxes

Pumunta muna ako ng comfort room

Nakapaa akong pumasok sa shower area

Susme dumulas ang kaliwang paa ko!

Buti na lang may nakahawak ako

My left hand grabbed the concrete divider

Ang kanang kamay ko naman sa tall pail of water

Buti na lang punumpuno ang timba

That somehow slowed my fall

Ang kanang tuhod ko ang tumukod sa floor

Akala ko mapupunit ang singit ko

Susme nag-SPLIT ako!

Super-stretch talaga!

Kinaya ng katabaan ko…

Grabeng kalabog ng puso ko

Whew! I thought mababagok ulo ko

Sabi ko nga sa plurk right after the slip

Someone up there saved me

Eh birthday ng nanay ko

Salamat mommy for breaking my fall.

Masakit man ang katawan

Nagbihis pa rin ako

May miting pa kasi akong aatenan

Pumunta na agad ako sa Genee’s

Nandun sina Rey, Emie, Aloha at Jahal

Mga kasama ko sa Kalilangan Foundation Inc.

Natapos kami ng mga alas nwebe

Dumaan na kami sa Mercury Drugstore

Ansakit na ng katawan ko

Tamang-tama ang pagdating namin sa bahay

Pinoy Big Brother na

Nominated for eviction ang apat

Jason, Carol, Jimson at Princess

Ansakit talaga ng katawan ko

Nagsimula nang tumalab ang gamot ko

Inaantok na ako…

What a day!

Nagpapasalamat pa rin ako

Sa daming nagawa ko today

Naging positibo pa ring natapos

What a Saturday!

Related Posts with Thumbnails