My Pinoy Almusal

paksiw na bangus at itlog na maalat

paksiw na bangus at itlog na maalat

I can’t resist it! Sobrang nakaka-enganyo talaga so heto nanaman ang inyong abang lingkod para inggitin kayo sa mga paborito kong almusal!   Nung nag-grocery ako minsan, napadaan ako sa mga itlog (parang ang bastos pakinggan!) and napansin ko na parang tumataghoy-taghoy ang itlog maalat sa akin.  Keber na ang cholesterol!  Bumili talaga ako ng isang pack consisting of six salted eggs!

Bilib din ako sa bayaw ko kasi the next morning nagluto ba naman ng paksiw na bangus!  Oh my goodness!  Katapat ng itlog maalat!  Mawindang-windang ang utak ko!  Get ko agad ang isang salted egg sa ref and may-i-hiwa-sa-gitna agad.  Konting patak ng knorr seasoning, ayos na ang kasunod!  Good bye na lang sa diyeta!

pritong marinated bangus at scrambled eggs

pritong marinated bangus at scrambled eggs

And this morning, naalimpungatan ako sa aking pagtulog.  Kumakatok ang pamangkin ko dala ang breakfast ko.  Susme!  Pritong bangus at binating itlog!  O, tukso layuan mo ako!  Hanap agad ako ng kalamansi eh kaso wala… ang sarap kayang sawsawan ang kalamansi at toyo!

Ang siste, I had to contend with del monte catsup (original blend). With matching mainit na kape (nescafe 3-in-1), sinimulan ko nang kumain.  Aba, wagi pala ang catsup as sauce for this breakfast match!  Sarap na sarap ako especially with a hot mug of coffee.  Subukan nyo nga nang makarami!

Related Posts with Thumbnails