Maynila. Manila. Manille.

Andito nanaman ako sa Maynila.

Makulimlim nung dumating ako.

Ramdam ko pa rin ang usok at alikabok.

Amoy na amoy ko ang polusyon.

Nagbabadya nanaman ang hika ko.

Iba din ang dating ng Maynila saken.

Nakakawili ang mga naglalakihang billboards.

Para ka na ring nanood sa telebisyon.

Mabilis ang mga sasakyan.

Humaharurot na parang walang ibang dumadaan.

Mapapansin ang paboritong kulay ni Bayani – pink!

Nagtatayugang buildings sa kaliwa’t kanan.

Sa Gensan hanggang limang palapag lang.

Andaming tao na naglalakad.

Nagmamadali para umabot sa patutunguhan.

Mga batang kalye panay katok sa bintana.

“Mama, pengeng pera pambili ng ulam!”

Ipinikit ko lang mga mata ko.

Sumasakit na naman ang ulo ko.

Kahol na ako ng kahol sa kakaubo.

Pumapasok na sa kotse ang amoy ng tao.

Hihikain na ako sinisiguro ko.

Nakarating na rin ako sa hotel.

Pagka-check in nagpahinga na ako.

Sa 23rd floor na kwarto ko, kitang-kita ko…

Ang maitim na usok sa ibabaw ng Maynila.

Hindi ako makatatagal ng ganito.

Pero bakit kaya iba ang dating ng Maynila.

Masalimuot man ang buhay

Para sa iba nama’y makulay.

Andito na yata lahat ng pangangailangan.

Siniguro yan ng Mall of Asia.

Kaso lang tamad akong mamasyal.

Mas gusto ko pang nasa hotel na lang.

Alam yan ng isa kong ka-ibigan

Kasi sa Trinoma pa kami nagka-iringan

Ang lawak ba naman ng iikutan

Eh ang tamad ko sa ganyan lakaran

Maynila.  Manila.  Manille.

Lagi ko pa ring binabalik-balikan.

Hindi ka yata Pinoy kapag di ka man lang

Nakatungtong sa Maynila ng aking isipan.

Related Posts with Thumbnails