Let the Shopping Countdown Begin… (UPDATED)

Balutin mo na ang regalo ko!

This early, panay na ang patugtog ng Christmas songs sa mga FM radio stations.  Pati nga sa morning shows ng  ABS CBN and GMA, paskong-pasko na!  Sinimulan ko na ding mamili ng kung anik-anik na bagay na pwedeng ipanregalo.  I want to avoid the Christmas rush!  Mahirap makipagsiksikan sa mall.  Pinaka-ayoko rin ang pumila.  Hindi sa nagiinarte ako… pag pinapawisan ako at maalinsangan, sumusumpong ang hika ko.   Kaya ngayon pa lang, nagtatyaga talaga akong umikot sa Gaisano Mall.  Kung masipag ka, you’ll get the best bargains at Gaisano.  And take note, malawak ang Gaisano.  Huwag kang magbabad sa isang parte lang.  Ikutin nyo at pagtyagaan kahit medyo tipid-ever sa aircon.  One whole day should be spent here.  Sagana naman sa kainan but i suggest sa Port Cafe na or sa Spazio kayo kumain.  Affordable na masarap pa!  Next stop, KCC Mall.  Marami ka ring mapagpipilian sa KCC pero mas gusto ko kasing manood ng sine dun kesa mag-shopping.   Sa specialty shops pa lang dito, magsasawa kang tiyak.  Mas malamig din siempre sa KCC.  Pero siempre, looking forward ako sa unang pasko ng Robinson’s Mall dito sa Gensan.  Sana bumaha ng SALE ngayong pasko.  Gusto ko ring makita kung papano nila patitikarin ang krismas decorations.  O, ano pang hinihintay nyo?  Kita-kits na lang tayo…maligayang pasko po!

Related Posts with Thumbnails