Isang kanta lang ng Air Supply ang talagang hindi ko makalimutan.  Ang nakakatawa kasi hindi ko ito nagustuhan dahil sa lyrics nito.  Very vivid sa alaala ko ang unang pagkakataon ko na narinig ito.  Madaling araw yun – mula sa mahimbing na pagkatulog narinig ko ang awiting ito.  Ang ganda ng melody… sa umpisa pa lang para akong na-hypnotize.  Malamig sa MSU Marawi noon.  Tulog na tulog ang mga roommates ko.  Tanging ang mahinang awit mula sa maliit kong radyo ang maririnig.  Sa sandaling yun, lahat ng magagandang memories ng buhay ko ay bumalik sa alaala.  Warm and tender memories of the past.  Yakap ng nanay ko.  Regalo mula sa tatay ko.  Barkada sa hayskul.  Lahat ng masasayang pangyayari ay parang pinalibutan ako.  Hindi ko alintana na may mga kasama ako sa kwarto – nilaksan ko ang volume ng radyo.  Patapos na ang kanta.  Nagsalita na ang babaeng DJ — “Lost in Love” ang pamagat.  Kinanta ng Air Supply.  Simula nung araw na yun, naging fan na ako ng duetong ito.

I realize the best part of love is the thinnest slice
And it don’t count for muc
But I’m not letting go
I believe there’s still much to believe in

So lift your eyes if you feel you can
Reach for a star and Ill show you a plan
I figured it out
What I needed was someone to show me

You know you cant fool me
I’ve been loving you too long
It started so easy
You want to carry on

(chorus)
Lost in love and I don’t know much
Was I thinking aloud and fell out of touch?
But I’m back on my feet and eager to be what you wanted

So lift your eyes if you feel you can
Reach for a star and I’ll show you a plan
I figured it out
What I needed was someone to show me

You know you can’t fool me
I’ve been loving you too long
It started so easy
You want to carry on

(chorus)
You know you can’t fool me
I’ve been loving you too long
It started so easy
You want to carry on

(chorus)
Now I’m lost, lost in love, lost in love, lost in love
Now I’m lost, lost in love, lost in love, lost in love
Lost in love, lost in love, lost in love
Lost in love, lost in love, lost in love

Kaya nung binulungan ako ni Michael Wee, may-ari ng Grab-A-Crab at Coffee-Club 101, na dadalhin nya ang Air Supply dito sa Gensan, maluha-luha talaga ako.  Siempre tears of joy naman.  But more than that, bumalik sa alaala ko ang impact ng awiting Lost in Love sa akin.  Na-realize ko na madami-dami na ring nakaligtaan sa buhay ko.  Sa sobrang subsob sa trabaho at kung ano-ano pa, sinayang ko ang mga pagkakataon na makipag-bonding sa mga magulang ko.  Nung pumanaw ang mommy ko, dun ko ipinangako sa sarili ko na babawi ako sa mga kapatid ko’t mga pamangkin.  Muli kong pinakinggan ang awiting ito.  May video na.  At muli kong naramdaman sa saliw ng musika ang bawat magandang alaala sa buhay ko.

Higit sa papremyo ng contest na ito gusto ko ring maintindihan ng husto ang liriko ng paborito kong Air Supply song.  Susmaryosep — akong-ako ang awiting ito.  Buhay-pagibig ko, noon at ngayon, ay akmang-akma sa bawat kataga nito.  Hay pagibig talaga — kahit ikaw na ang pinakamatalinong tao sa mundo kapag tinamaan ka ni kupido nagiging bobo kang tiyak.  Eh ako pa naman uber buhos kung magmahal kaya palagi na lang akong Lost in Love!

Salamat Kuya Avel sa pakontes na ito.  Andami mong binuhay na alaala.  Salamat din kay Michael Wee at sa Dreamwork Ventures sa pag-poproduce ng concert na ito.    Salamat din sa mga sponsors:  the City Government of GenSan, the GenSan City Chamber of Commerce and Industry Inc., ABS-CBN, Grab A Crab Restaurant, MISO Hardware, San Miguel Corporation, Coca Cola Bottlers Inc., East Asia Royale Hotel, Coffee Dream, NY Fries and Dips, Giacominos, Gaisano Mall of GenSan and Gregoria Printing Press.

Related Posts with Thumbnails

Please rate this post!
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 out of 5)
Loading ... Loading ...

Did you enjoy reading this blog post? Aminin! Subscribe now!

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner