Enough Said v.09.09.09

Photo by Ross Rodriguez

Photo by Ross Rodriguez

Bugbog sa pagod

Sagana sa batikos

Palakpakang buhos

Pasasalamat na kalubos-lubos

Tapos na ang palabas

Dami pa ring hudas

Pasaring ng peyburitismo

Neknek nyo ako pa tinalo nyo

May nanalo na’t natalo

Tanggapin na’t umuo

Di ka naman hurado

Respetuhin ang ginusto

Turuan na lang ng wasto

Ang mga natalo

Na ang isang pagkatalo

Ay di katapusan ng mundo

Tayong taga-Gensan

Matapat kung lumaban

Wag nang pagisipan

Na may pagaalinlangan

Panalo na nga’t tapos na

Ituloy na lang ang saya

Biyaya ng Diyos

Payapang naidaos

Lahat tayo’y panalo

Sa ganitong klaseng estado

Tuloy lang ang buhay

Kumain tayo ng gulay

Look ka na lang sa sky

At pakibaba ang kilay

Yun lang.

Related Posts with Thumbnails